Municipal Health Office - LGU Santa Maria, Bulacan

Municipal Health Office - LGU Santa Maria, Bulacan Official page for the Santa Maria, Bulacan Municipal Health Office

31/07/2025
31/07/2025
Umulan man o umaraw, sa kabila ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, patuloy pa rin ang walang pagod na serbisyo ng mga kaw...
23/07/2025

Umulan man o umaraw, sa kabila ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, patuloy pa rin ang walang pagod na serbisyo ng mga kawani ng Municipal Health Office sa mga evacuation center.

Tinitiyak na ang kaligtasasn, kalusugan at kaginhawan ng bawat pamilyang apektado—mula sa pagsusuri ng kalagayan, pagbibigay ng gamot, hanggang sa pangangalaga sa mga bata man o matanda.

Hindi hadlang ang ulan, baha o ano mang sakuna upang maiparating ang malasakit sa bawat mamamayan ng Santa Maria.

🛑 PAALALA: Iwasan ang paglusong sa baha kung hindi kinakailangan. Siguraduhing malinis ang iniinom na tubig at ugaliing maghugas ng kamay upang makaiwas sa sakit. Magpa konsulta o mag report agad kung may nararamdamang sintomas gaya ng lagnat, pagsusuka o pananakit ng tiyan.

PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨Sa panahon ng matinding pag-ulan, posiblen...
22/07/2025

PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis. Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.

22/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




❗️BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE❗️Babala ng DOH, hindi...
16/07/2025

❗️BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE❗️

Babala ng DOH, hindi lang Leptospirosis ang maaaring makuha sa baha, kundi ang mga Soil-transmitted Helminths (STH) infections, tulad ng Ascariasis, Trichuriasis, at Ancylostomiasis. Madalas na tinatamaan ng mga STH ay ang mga batang hindi nagpapurga.

Ayon sa datos ng DOH noong 2024, 57% pa lang ng batang 1-4 years old ang nagpapurga sa kabila ng libreng Deworming tablets na binibigay sa mga health center.

Ilan sa mga sintomas ng STH infections ang:
✔️Pananakit ng tiyan
✔️Pagtatae
✔️Panghihina
✔️Rectal prolapse (Paglabas ng laman ng pwet)
✔️Mabagal na paglaki ng katawan at isipan ng bata

Paalala ng DOH sa mga magulang, huwag hayaang maglaro sa baha ang mga bata at gawin ang W.O.R.M.S para maiwasan ang impeksyon na dala ng mga bulate! 🪱

Tara na! Gawin na natin ang 4T kontra Dengue!✅ Taob ✅ Tuyo ✅ Taktak ✅TakipAlamin din ang mga sintomas ng Dengue at agad ...
30/06/2025

Tara na! Gawin na natin ang 4T kontra Dengue!

✅ Taob ✅ Tuyo ✅ Taktak ✅Takip

Alamin din ang mga sintomas ng Dengue at agad na magpakonsulta kung nilalagnat dalawang araw o higit pa.

Ngayon buwan ng Hunyo ay Dengue Awareness Month, sama-sama nating labanan ang para sa ligtas na pamayanan at !

©️ Bulacan PHO - Public Health

Ang Prostate Cancer ay isa sa mga pinakakaraniwang uri ng cancer sa kalalakihan.Kadalasan, wala itong sintomas sa early ...
18/06/2025

Ang Prostate Cancer ay isa sa mga pinakakaraniwang uri ng cancer sa kalalakihan.

Kadalasan, wala itong sintomas sa early stage. Kaya mahalaga ang regular check-up, lalo na kung ikaw ay:

✔️ 50 years old and above
✔️ May family history ng cancer
✔️ May mga sintomas gaya ng madalas na pag-ihi, pananakit sa balakang, o mahina ang ihi

Early detection saves lives! Huwag mahiyang magpakonsulta. sa pinakamalapit na primary care unit sa inyong lugar.

©️Bulacan PHO - Public Health

🚭 JUNE IS NATIONAL NO SMOKING MONTH!🔥 A smoke a day takes your life away!💥 Every smoke steals your breath. Every stick s...
17/06/2025

🚭 JUNE IS NATIONAL NO SMOKING MONTH!

🔥 A smoke a day takes your life away!
💥 Every smoke steals your breath. Every stick steals your life.

Cancer-causing.
Lung-destroying.
Heart-breaking.

Today’s the day! Light your courage to quit!

Address

Municipal Health Office
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - LGU Santa Maria, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share