
29/09/2025
Pagpupugay sa Ating mga G**o
Sa bawat aralin na inyong itinuro, sa bawat gabay at pang-unawa na ibinahagi, at sa bawat pusong hinubog ninyo ng pagmamahal at karunungan—kami ay lubos na nagpapasalamat.
Ang inyong dedikasyon at sakripisyo ang nagsisilbing ilaw at inspirasyon ng ating paaralan. Kayo ang haligi ng kaalaman at huwaran ng kabutihan na patuloy na nagbubukas ng landas tungo sa magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Maligayang Araw ng mga G**o!
Isang mataas na pagpupugay sa inyo na tunay na bayani ng edukasyon.