
27/08/2025
π©Έ Maging Bayani, Mag-donate ng Dugo! π©Έ
Inaanyayahan po namin kayo sa aming Blood Letting Donation Drive π
π
Petsa: Agosto 28, 2025
π Oras: 8:00 AM β 5:00 PM
π Lugar: Sta. Maria, Laguna Town Plaza
Ang bawat patak ng dugo ay may halaga. Isang donasyon mo, tatlong buhay ang maililigtas. β€οΈ
Tara na at magkaisa para makatulong at makapaglitas ng buhay. Kitakits! π
β
Mga Puwedeng Mag-donate:
β
Mga Puwedeng Mag-donate:
Edad 16β60 taong gulang (kung 16β17, kailangan ng parental consent).
Timbang ay hindi bababa sa 50 kilos.
Walang iniinom na maintenance na gamot para sa malalang sakit.
Walang ubo, sipon, lagnat, o impeksyon sa loob ng 1β2 linggo bago mag-donate.
Walang tattoo o body piercing sa loob ng nakaraang 12 buwan.
Walang risky sexual behavior.
Nakapahinga at may sapat na tulog bago mag-donate.
Kumain ng magaan (huwag fasting) bago mag-donate ng dugo.
π« Hindi Puwedeng Mag-donate:
May sakit sa puso, baga, atay, o kidney.
May kasalukuyang impeksyon (tulad ng hepatitis, HIV, TB, at iba pa).
Umiinom ng antibiotics sa loob ng nakaraang linggo.
Nag-inom ng alak sa loob ng 24 oras bago mag-donate.
Buntis, bagong panganak, o nagpapasuso.
π©Έ Paalala Bago at Pagkatapos Mag-donate:
Uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos ng donation.
Magpahinga ng ilang minuto matapos makuha ang dugo.
Iwasan muna ang mabibigat na trabaho at pagbubuhat sa parehong araw.