12/05/2026
OB SONO? Bakit may “C/O OB SONOLOGIST” sa ultrasound request ko?
Ito yan mommies, ang “C/O OB SONOLOGIST” ay nangangahulugang Care of Obstetric Sonologist — ibig sabihin, ang ultrasound ay isasagawa o babasahin ng isang espesyalistang doktor na trained sa pregnancy ultrasound.
🤍 Bakit ito mahalaga sa buntis?
Sa pagbubuntis, hindi lang basta “tingin” sa baby ang ultrasound. Kailangan nito ng masusing pagsusuri para masigurong maayos ang pag-develop ni baby at ligtas si mommy.
📌 Mas malalim na pag-alaga sa bawat detalye:
✔ Tinitingnan ang heartbeat at growth ni baby
✔ Sinusuri ang position ng baby at placenta
✔ Nakikita agad ang mga posibleng concerns sa early stage
✔ Mas accurate ang interpretation dahil OB specialist ang nagre-review
🌿 Health felt reminder:
Ang OB sonologist ay kasama mo sa journey ng pagbubuntis—tumutulong para mas maaga ma-detect ang problema at mas mapalakas ang pag-aalaga kay mommy at baby.
Sa bawat ultrasound, hindi lang larawan ang nakikita—kundi assurance na maayos ang kalagayan ni baby. 🤍