Pooc-Nayon Health Station

Pooc-Nayon Health Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pooc-Nayon Health Station, Medical and health, Maria Jesusa Subd Brgy Pooc, Santa Rosa.

26/09/2025
26/09/2025

Manatiling ligtas tuwing may paparating na bagyo! Laging makinig sa mga abiso ng mga awtoridad, tulad ng rainfall warning system.

🟑 Yellow: Bantayan ang mga ulat at abiso dahil maaaring lumala ang sama ng panahon.
🟠 Orange: Maging alerto dahil may banta ng pagbaha at posibilidad ng paglikas.
πŸ”΄ Red: Kumilos agad at lumikas, lalo na kung may panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ihanda na ang GO Bag para sa iyo at iyong pamilya at dalhin ito sa oras na kailangan nang lumikas.

Maging alerto at ligtas dahil Bawat Buhay Mahalaga.

26/09/2025
25/09/2025

🚨 OPONG NAG LANDFALL NA SA PILIPINAS; LUMIKAS SA MGA EVACUATION CENTER KUNG KINAKAILANGAN 🚨

β›ˆοΈ Ayon sa DOST-PAGASA, nag-landfall ang Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Samar 11:30 ng gabi ng September 25. Magpapatuloy ito sa pagtahak sa Masbate, Sibuyan Sea, katimugang bahagi ng CALABARZON, at hilagang bahagi ng MIMAROPA bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea ngayong gabi o bukas ng umaga (27 Setyembre).

🏘️ Nasa 389 ang bilang ng evacuation center na nakahanda at ginagamit ng mga pamilyang lumikas dahil sa bagyo ayon sa report ng NDRMMC.

‼️ Sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at agad lumikas kung kinakailangan. Siguraduhin ding manatiling ligtas at malusog habang nasa evacuation center, lalo na kung magtatagal ang pananatili rito.

βœ… Magsuot ng face mask at takpan ang bibig kapag babahing o uubo
βœ… Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran
βœ… Hangga't maaari, gumamit lamang ng personal na gamit
βœ… Uminom lamang ng malinis na tubig; gumamit ng chlorine tabs kapag hindi tiyak ang kalinisan ng inumin
βœ… Panatilihing malinis ang kapaligiran at sarili kapag may pagkakataon
βœ… Agad lumapit sa health worker kung may nararamdamang lagnat, ubo, sipon, o iba pang sintomas.

Sources:
PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 15
NDRMMC Situational Report No. 17




25/09/2025

PABATID SA PUBLIKO
WALANG PASOK SA PAMAHALAANG LUNGSOD
Setyembre 26, 2025

Sa atas ni Mayor Arlene B. Arcillas, SUSPENDIDO ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod bukas, Setyembre 26, 2025, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Ang lahat ng nakatalaga sa frontline medical at emergency services ay patuloy na magbibigay ng serbisyo upang agad na matugunan ang mga epekto ng bagyo.

Manatiling alerto, maging handa, at mag-ingat tayong lahat.





🦁

25/09/2025

ANO ANG MGA PAGHAHANDANG DAPAT GAWIN SA PAGDATING NI BAGYONG ? β›ˆ

β€’ Maghanda ng First Aid Kit
β€’ Ihanda ang mga kandila, flashlight, at radyo na battery-powered
β€’ Mag-imbak ng sapat na pagkain at inumin para sa ilang araw.
β€’ I-charge ang mga cellphone at power bank.
β€’ Suriin ang bahay at kumpunihin o patibayin ang mga bahagi nitong hindi matatag
β€’ Maging updated sa latest na weather report o abiso ng PAGASA at lokal na pamahalaan.
β€’ Alamin kung saan ang pinakamalapit na evacuation center sa inyong lugar





🦁

22/09/2025

PABATID SA PUBLIKO

Setyembre 23, 2025 (Martes)

SUSPENDIDO ang lahat ng FACE-TO-FACE classes mula Kindergarten hanggang Senior High School sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.

Ang klase ay ililipat sa Blended Learning Modality bilang bahagi ng pagpapatupad ng Learning and Service Continuity Plan.

Para sa mga kolehiyo at unibersidad, ipinauubaya sa kanilang pamunuan ang pasya ukol sa suspensyon ng klase, ngunit mahigpit na pinapayuhan na mag-shift din sa Blended Learning Modality.

Ang hakbang na ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bunsod ng panaka-nakang ulan na dala ng Super Typhoon at ng Habagat.

PAALALA:
βœ” Manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Lungsod at ng inyong paaralan o barangay.

βœ” Mag-ingat sa posibleng malakas na ulan at pagbaha.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.





🦁

πŒπ€π†πˆππ† π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐒𝐀 ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐍𝐆 ππ€π†π˜πŽ ⚠️Ngayong nananalasa ang Super Typhoon Nando, mahalagang maging alerto at handa upang ...
22/09/2025

πŒπ€π†πˆππ† π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐒𝐀 ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐍𝐆 ππ€π†π˜πŽ ⚠️

Ngayong nananalasa ang Super Typhoon Nando, mahalagang maging alerto at handa upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat-isa.

Basahin at ipamahagi ang mga dapat gawin BAGO, HABANG, at PAGKATAPOS ng bagyo.

Maging alerto at ligtas dahil Bawat Buhay Mahalaga.







22/09/2025
22/09/2025

🚨IWASAN ANG BANTA NG LEPTOSPIROSIS! 🚨

Dahil sa malakas na ulan na dala ng Super Typhoon Nando, nakaantabay na ang mga apektadong lugar sa posibleng malawakang pagbaha. Ang bahang ito ay maaaring magdala ng bakterya na nagdudulot ng Leptospirosis.

Mga hakbang para maiwasan ang sakit:

1️⃣ Iwasang lumusong sa baha.

2️⃣ Agad maghugas o maligo kung lumusong sa baha.

3️⃣ Kumonsulta sa doktor para sa tamang gamutan.




Address

Maria Jesusa Subd Brgy Pooc
Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pooc-Nayon Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram