Bethany Medical Health Services - Santa Rosa

Bethany Medical Health Services - Santa Rosa The Bethany Medical Health Service (BMHS) is a private community based medical and diagnostic clinic

28/07/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa kaso ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





20/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




18/07/2025

Alam mo ba? 🤔

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation 👀
A – Assess the victim 🧑‍⚕️
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. 📲
I – Initiate Compression💓
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚡

11/07/2025

❗️FILARIASIS — ISA PANG SAKIT NA DALA NG LAMOK NGAYONG TAG-ULAN ❗️

💡 Bukod sa Aedes aegypti na nagdadala ng dengue, mabilis ding dumadami sa panahon ng tag-ulan ang mga lamok gaya ng Aedes spp., Anopheles spp., at Mansonia spp. na nagdadala ng Filariasis.

Ang lymphatic filariasis ay sakit na dulot ng mga microscopic na bulate na naipapasa mula sa kagat ng lamok. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng kapansanan dahil sa permanenteng pamamaga ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mga paraan para maiwasan ang Filariasis:

✅Gawin ang taob, taktak, tuyo, takip sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok;

✅Magsuot ng pantalon at damit na may long sleeves; at

✅Gumamit ng mosquito repellent pag lalabas, at ng kulambo sa pagtulog

📍 Sa tulong ng mass drug administration, nakakamit ng mga probinsya ang Filariasis-free status.




04/07/2025
27/06/2025

Alamin ang mga sintomas ng Dengue at maging maagap sa pagpapakonsulta. 🦟

I-scan ang QR code sa larawan para sa listahan ng Dengue Fast Lanes o tumawag sa 1555-2. ☎️





23/06/2025
H’wag magpa BUDOL, doon tayo sa SIGURADO!
23/06/2025

H’wag magpa BUDOL, doon tayo sa SIGURADO!

Tayo po ay may BAKUNA LABAN sa KAGAT at KALMOT ng A*O at PUSA sa MABABA at ABOT KAYANG HALAGA.Ang CLINIC po natin ay mat...
18/06/2025

Tayo po ay may BAKUNA LABAN sa KAGAT at KALMOT ng A*O at PUSA sa MABABA at ABOT KAYANG HALAGA.

Ang CLINIC po natin ay matatagpuan sa BLOCK 42, LOT 8, PHASE 2, SOUTHVILLE 4, BARANGAY CAINGIN, CITY OF SANTA ROSA, LAGUNA.

Ang Bethany Medical Health Services- Santa Rosa ay muling magbubukas na. Ang ating clinic schedule ay kada Lunes,  Miyer...
16/06/2025

Ang Bethany Medical Health Services- Santa Rosa ay muling magbubukas na. Ang ating clinic schedule ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Ang ating konsulta ay abot kaya para sa lahat, ito ay nagkakahalaga ng 200 pesos lamang. May 10% discount pa para sa mga gamot na bibilhin.

Ang Bethany Medical Health Services- Santa Rosa ay muling magbubukas na. Ang ating clinic schedule ay kada Lunes, Miyerk...
14/06/2025

Ang Bethany Medical Health Services- Santa Rosa ay muling magbubukas na. Ang ating clinic schedule ay kada Lunes, Miyerkules, at Byernes.

Ang ating ko konsulta ay abot kaya para sa lahat, ito ay nagkakahalaga ng 200 pesos lamang. May 10% discount pa para sa mga gamot na bibilhin.

Address

Santa Rosa
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bethany Medical Health Services - Santa Rosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Bethany Medical Health Services - Santa Rosa:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram