24/12/2025
Isinagawa ng Philippine Red Cross Laguna Chapter noong Disyembre 19, 2025 ang isang Community Outreach Activity sa Brgy. Tungkod, Sitio Pulong Mindanao, Sta. Maria, Laguna—isang lugar na may limitadong akses sa mga pangunahing serbisyo. Sa kabila ng hamon ng lokasyon, tinawid ng mga kawani ng PRC Laguna Chapter ang siyam (9) na bahagi ng ilog at naglakad ng mahigit isa’t kalahating oras upang personal na maihatid ang mga kinakailangang serbisyo sa komunidad.
Sa nasabing aktibidad, naipamahagi ang 100 'food packs' para sa mga pamilya at g**o, kabilang ang 100 'packs' ng bigas bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Nagsagawa rin ng 'health and hygiene promotion' na dinaluhan ng 61 bata, kasabay ng pamamahagi ng 100 'hygiene kits' upang mapalakas ang kaalaman at kamalayan sa kalinisan at kalusugan. Namahagi rin ng mga school supplies para sa 61 mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 bilang tulong sa kanilang pag-aaral. Bukod dito, naisakatuparan ang 'medical consultation' para sa 45 indibidwal, 'blood typing' para sa 38 benepisyaryo, at 'Psychological Support' (PSP) na nilahukan ng 26 na katao. Isinagawa rin ang turn-over ng isang 32-inch 'flat screen TV' para sa Pulong Mindanao Elementary School bilang suporta sa mas epektibo at makabagong pagtuturo.
Patuloy ang Philippine Red Cross Laguna Chapter sa pagtupad ng misyong maghatid ng serbisyong makatao, malasakit, at pag-asa sa mga komunidad na higit na nangangailangan.