Santa Rosa City Health Office I

Santa Rosa City Health Office I The City Health Office I caters 9 barangay of the City of Santa Rosa, Laguna namely barangay Aplaya,

TINGNAN | Mother-Baby Friendly Santa RosaKasabay ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Month ngayong Agosto, isinusul...
28/08/2025

TINGNAN | Mother-Baby Friendly Santa Rosa

Kasabay ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Month ngayong Agosto, isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pamamagitan ng City Health Office I at katuwang ang iba’t ibang partner hospitals, ang programang Mother-Baby Friendly Santa Rosa: Strengthening Breastfeeding through Referral System.

Mahalaga ang programang ito dahil sa pamamagitan ng kasunduang ito, buong puso nating tatanggapin at susuportahan ang mga mommies na irerefer mula sa ating mga partner hospitals.

📷: CIO Ramil





🦁

Noong nakaraang Agosto 9, 2025 ay muling nagsagawa ng Family Planning Outreach Services ang ating tanggapan sa Santa Ros...
16/08/2025

Noong nakaraang Agosto 9, 2025 ay muling nagsagawa ng Family Planning Outreach Services ang ating tanggapan sa Santa Rosa Community Hospital.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod I, Santa Rosa Community Hospital, at Service Outreach and Distribution Extension (SODEX) Program. Ang outreach service na ito ay kaugnay pa rin sa pagdiriwang natin ng Family Planning Month celebration tuwing buwan ng Agosto at naglalayon na magkaroon ng mas maraming magkapareha na gumamit ng iba't ibang family planning method gaya ng Bilateral Tubal Ligation (BTL) at No-Scalpel Vasectomy (NSV). Sa kabuuan ay may 2 kababaihan ang nagpa-BTL at 18 kalalakihan ang nagpa-NSV.

Kami ay nagpapasalamat sa mga kliyenteng patuloy na gumagamit ng family planning method. Kayo ay magiging ehemplo sa iba pang magkakapareha na hindi pa gumagamit ng kahit anong family planning method.

Dahil ang pamilyang planado, panalo!



August 13-14, 2025 Naging matagumpay at nagkamit ng papuri ang Santa Rosa Social Wellness Clinic ng City Health Office I...
14/08/2025

August 13-14, 2025

Naging matagumpay at nagkamit ng papuri ang Santa Rosa Social Wellness Clinic ng City Health Office I sa ginanap na pagbisita ng DOH at EpiC sa isinagawang DQAI o Regional Data Quality Assessment and Improvement.







Kung hindi pa ready maging preggy, no need to hurry!✅ Mas maayos ang kinabukasan kung ang family planning ay malayang pi...
12/08/2025

Kung hindi pa ready maging preggy, no need to hurry!

✅ Mas maayos ang kinabukasan kung ang family planning ay malayang pinag-uusapan.

🏥 Kumonsulta sa healthcare worker para ibat’ibang uri ng family planning method.

Isang paalala ngayong Family Planning Month.




Noong nakaraang August 8, 2025 ay naganap ang Caring for Carers - A Workforce Debriefing and Strengthening Activity for ...
11/08/2025

Noong nakaraang August 8, 2025 ay naganap ang Caring for Carers - A Workforce Debriefing and Strengthening Activity for the Body and Soul of Healthcare Workers.

Ang mga kawani ng ating tanggapan ay nagpunta sa Forest Camp Eco Resort sa Bay, Laguna upang magsama-sama upang pagtibayin ang pagkakaisa ng isip at gawa. Maituturing rin na isang pahinga ito para sa ating mga kawani upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo para sa ating komunidad.

Ang aktibidad na ito ay aming ipinagpapasalamat sa ating butihing Mayor Arlene B. Arcillas na walang sawang sumusuporta sa mga adhikain ng ating tanggapan.

Muli maraming salamat sa lahat ng taong nasa likod ng aktibidad na ito at makaaasa kayo na patuloy kaming magbibigay ng dekalidad na serbisyo sa inyong lahat.




Magandang araw Santa Rosa!Ang aming tanggapan ay magkakaroon ng libreng VASECTOMY sa darating na ika-9 ng Agosto 2025, a...
04/08/2025

Magandang araw Santa Rosa!

Ang aming tanggapan ay magkakaroon ng libreng VASECTOMY sa darating na ika-9 ng Agosto 2025, araw ng Sabado.

Kami ay may nakalaan na 25 slots para sa programang ito. Para sa mga interisado, magdala ng 1 valid ID at magtungo lamang sa aming tanggapan sa araw ng LUNES o MIYERKULES para sa interview at screening. Hanapin lang si Nurse Annie at Midwife Liezl.

Kung may mga katanungan maaari ring tumawag sa numerong (049) 530-0015 local 5309.

Ito po ay FIRST COME, FIRST SERVE basis.



Ang tanggapan ng City Health Office I ay magsasara sa Agosto 8, 2025 (Biyernes) upang bigyang daan ang pagsasagawa ng ka...
01/08/2025

Ang tanggapan ng City Health Office I ay magsasara sa Agosto 8, 2025 (Biyernes) upang bigyang daan ang pagsasagawa ng kanilang Psychosocial Debriefing ng mga Service Providers at Disinfection ng opisina.





🦁

Happy birthday Mayor Arlene!The City Health Office I will always be grateful and thankful for all your love and support ...
31/07/2025

Happy birthday Mayor Arlene!

The City Health Office I will always be grateful and thankful for all your love and support to our office and our advocacies.

We wish you good health and may the Lord continue to bless you.

We love you Mayor Arlene!

Love,
City Health Office I

July is National Blood Donors MonthMagbigay ng dugo, magbigay ng pag-asa.Sama-sama tayong magligtas ng buhay!1 bag of do...
28/07/2025

July is National Blood Donors Month

Magbigay ng dugo, magbigay ng pag-asa.
Sama-sama tayong magligtas ng buhay!

1 bag of donated blood can save 3 lives! - World Health Organization

Ang donasyong dugo ay kritikal para sa mga pasyenteng may:

1. Leukemia at ibang kanser
2. Anemia o Dengue
3. Mga naaksidente o naoperahan

Alamin ang mga blood facilities na malapit sa inyong lugar.

Ugaliing magpakonsulta sa inyong Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.



🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospi...
25/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







July is National Deworming MonthAng STH o soil-transmitted helminths ay mga bulate na nakakahawa sa bituka ng tao. Nakuk...
21/07/2025

July is National Deworming Month

Ang STH o soil-transmitted helminths ay mga bulate na nakakahawa sa bituka ng tao. Nakukuha ito mula sa lupa, pagkain, o tubig na kontaminado ng dumi ng tao.

Iwasan ang impeksyon ng STH! Let's do the W.O.R.M.S.

W - wash hands
O - observe proper toilet use
R - refrain from eating uncooked food
M - mass deworming o magpurga
S - slippers / shoes when walking in soil

Ugaliing magpakonsulta sa inyong Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.



Address

Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Rosa City Health Office I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Santa Rosa City Health Office I:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram