29/07/2025
Hello po
Magandang araw po sa ating lahat
Ang kagandahan pong yan ang nais nating mangyari sa ating lahat sa pamamagitan ng pananatili ng maayos nating kalusugan
Libre lang po ang bagay na yan sa pamamagitan ng paggamit ng mga benepisyo mula sa PhilHealth para sa lahat ng miyembro
Ang isa pang kagandahan ay kung wala ka pang PhilHealth membership ay maaari pong pagkalooban tayo ng free membership ayon sa mga pamantayan ng PhilHealth at makipag-ugnayan lamang po sa atin
Libre ang taunang pagpapakunsulta upang alamin ang ating kalagayan o status ng ating kalusugan (Health status)
Mas mabuting alam natin ang ating "health status" kesa sa kasabihang "mas ok na wala tayong alam para walang stress" o isipin, pero papaano naman kung lumala ang karamdamang hindi natin alam dahil hindi tayo nagpapa-check-up?
Kaya "GO" na po tayo sa ating mga Local Health Facilities na magbibigay sa atin ng kagandahan ng ating buhay at health status
Maraming salamat po sa pagbibigay ng panahon sa pagbabasa ng mensahe at sanay tumulong po tayo sa programang nabanggit sa pamamagitan ng pagsi-share sa iba ng information na ito
Pagpalain po tayo lahat ng ating Panginoong Diyos!