31/12/2025
Ngayong tapos na ang okasyon, alalahanin na ang bawat hakbang sa paglilinis ay may epekto sa atin at sa komunidad. Huwag basta-basta hawakan ang mga natirang paputok isipin ang posibleng panganib sa ating sarili at sa ating mga pamilya.
Mas maganda kung magsama-sama tayo sa isang ligtas at maayos na cleanup. Magsuot ng proteksyon, magplano kung paano itatapon ang mga basura, at siguraduhing ligtas ang paligid. Ang ating maliit na pag-iingat ay malaking tulong para walang maiwanang aksidente o pinsala
Isang paalala mula sa New Sinai MDI hospital. Maligayang Bagong Taon