Sv4-Pooc Health Center 2

Sv4-Pooc Health Center 2 Sv4 Health Center Base 2 Since 2013

01/08/2025
01/08/2025

Ang tanggapan ng City Health Office I ay magsasara sa Agosto 8, 2025 (Biyernes) upang bigyang daan ang pagsasagawa ng kanilang Psychosocial Debriefing ng mga Service Providers at Disinfection ng opisina.





🦁

01/08/2025

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗

Bakit mahalaga ang exclusive breastfeeding?
✔️ Kumpleto sa nutrisyon
✔️ May panlaban sa sakit
✔️ Libre, laging handa, at mas ligtas para kay baby

✅ Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan
✅ Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magsimula ng masustansyang pagkain sa mga bata mula 6 na buwan pataas
✅ Tiyaking nakakakain si Nanay ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan sa kaniyang emotional needs





01/08/2025
24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







23/07/2025

EMERGENCY HOTLINE NUMBERS!

Pinapayuhan ang ating mga kabarangay nangagailangan ng agarang RESCUE ngayong panahon ng bagyo na tumawag o mag-text sa mga emergecy hotline number upang kayo'y agad na marespondehan.

MAGING ALERTO AT LAGING HANDA!







21/07/2025
21/07/2025
21/07/2025
21/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




21/07/2025

Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamumuhay. 💊👍

Mula March 2024 hanggang March 2025, 88% ng mga PLHIV na naka-enroll sa antiretroviral therapy (ART) at sumailalim sa viral load test ay natukoy na virally suppressed. Patunay ito na ang tuloy-tuloy na ART para sa mga PLHIV ay nakatutulong para mas mabilis nilang maabot ang Undetectable = Untransmittable status.

Available ang ART services sa mga DOH HIV care facilities: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥





21/07/2025

Alam mo ba? 🤔

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation 👀
A – Assess the victim 🧑‍⚕️
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. 📲
I – Initiate Compression💓
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚡

Address

Southville 4 Brgy Pooc
Santa Rosa
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sv4-Pooc Health Center 2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share