08/05/2026
Kapag may nakita kayo ng mapulang umbok, minsan may nana sa kanang (o kaliwang) balikat ni baby, huwag munang magpanic! Baka epekto lang po yan ng BCG vaccine na binigay sa kanya bago umuwi mula sa ospital o lying in clinic.
Ang ganitong reaction ay nagaganap 2-6 weeks pagkatapos mabakunahan dahil ang binigay na bakuna ay live, attenuated na strain ng Mycobacterium bovis. Ang BCG vaccine ay naglalayong maproteksyunan ang mga bata laban sa severe forms ng tuberculous infection gaya ng meningitis o miliary TB. Kailangan po nila ito lalong lalo na sa Pilipinas kung saan mataas na porsiyento ng ating populasyon ay exposed sa tuberculosis.
Huwag po ninyong kaliligtaan na ito ay libre at included sa PhilHealth newborn package ❤️