SIMC Public Health Unit

SIMC Public Health Unit Provide and facilitate holistic and systematic level of health promotion and disease prevention

‼️DOH: ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA HANTAVIRUSES‼️Detalye sa comment section.
08/05/2026

‼️DOH: ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA HANTAVIRUSES‼️

Detalye sa comment section.

📸 𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗦𝗜𝗠𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗔𝗗𝗠𝗜𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡The Southern Isabela Medical Cente...
07/05/2026

📸 𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗦𝗜𝗠𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗔𝗗𝗠𝗜𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

The Southern Isabela Medical Center - Admitting Section during the conduct of Watcher’s Class through SIMC Public Health Unit - Health Education and Promotion and Advocacy awareness activity, explicitly presented its processes and requirements needed for admission and other pertinent documents should a client chooses healthcare services of SIMC.

The objective of this is to make the clients of SIMC be prepared for possible admission of patients to achieve smooth flow of transaction. Ms. Jonalyn Ruma, the presenter from SIMC - Admitting Section, rest assured the public that all information gathered will be treated with strict confidentially.


📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗕𝗜𝗢𝗠𝗘𝗧𝗥𝗜𝗖𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧Ang proseso ng biometr...
07/05/2026

📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗕𝗜𝗢𝗠𝗘𝗧𝗥𝗜𝗖𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧

Ang proseso ng biometrics, tulad ng pagkuha ng fingerprint o facial scan, ay isang malaking tulong upang pabilisin at gawing mas episyente ang digitalisasyon ng pagse-set ng OPD appointment sa Southern Isabela Medical Center.

Ito ay nag-aalis sa pangangailangang punan ng pasyente ang paulit-ulit na mga form, pinipigilan ang pagdoble ng mga rekord, at nagsisiguro na ang isang pasyente ay agad na makikilala at mabibigyan ng tamang rekord sa fingerprint lamang.

Katuwang ang SIMC sa pagsulong ng biometrics na hindi lamang nagpapadali para sa mga pasyente kundi tumutulong din sa ospital na magamit nang mas maayos ang mga mapagkukunan nito, na nagreresulta sa mas maayos at episyenteng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser at Ms. Nerissa Dizon, HIMD Unit Head kasama si Mr. John Michael Cabaldo mula sa SIMC - Health Information and Management Department, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.


📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗦𝗔𝗙𝗘 𝗠𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗢𝗕𝗦𝗧𝗘𝗧𝗥𝗜𝗖𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗚𝗬𝗡𝗘𝗖𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬Tuwing ikatlong linggo ng...
07/05/2026

📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗦𝗔𝗙𝗘 𝗠𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗢𝗕𝗦𝗧𝗘𝗧𝗥𝗜𝗖𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗚𝗬𝗡𝗘𝗖𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬

Tuwing ikatlong linggo ng Mayo ay ipinagdiriwang ng Southern Isabela Medical Center ang Safe Motherhood Week na naglalayong mabigyang-diin ang kahalagahan ng kaligtasan ng mga buntis, nanganganak, at nagpapasusong ina.

Sa talakayang ito, pinaaalalahanan ang mga pamilya at komunidad na ang bawat pagbubuntis ay may peligro, kaya kailangan ang tamang pangangalaga bago, habang, at pagkatapos ng panganganak.

Layunin din nitong mabawasan ang pagkamatay ng mga ina at sanggol sa pamamagitan ng edukasyon sa wastong nutrisyon, regular na check-up, at pagkakaroon ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Ang pagdiriwang nito ay paalala na ang buhay ng isang ina ay mahalaga—hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi sa pag-unlad ng buong bayan.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Dr. Krystle Mabatan mula sa SIMC - Department of Obstetrics and Gynecology, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.





07/05/2026

𝗦𝗮 𝗟𝗶𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗕𝘂𝗵𝗮𝘆: 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗦𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗸𝗯𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶
Hindi lang ito kwento ng iisang health worker—
ito ay kwento ng isang buong sistemang kumikilos para sa bawat Pilipino.
Mula barangay hanggang ospital, mula pag-iwas sa sakit hanggang paggamot—pinagbubuklod ng Kagawaran ng Kalusugan ang lakas ng bawat health worker upang tiyakin na walang maiiwan.
Sa patuloy na pagpapatupad ng Universal Health Care, pagpapalakas ng primary care provider networks, at mas pinahusay na serbisyong pangkalusugan—ang malasakit ay nagiging sistema.
Ngayong Health Workers’ Day, hindi lang tayo nagpapasalamat—
pinagtitibay natin ang ating pangako para sa isang mas matatag, mas inklusibo, at mas episyenteng sistemang pangkalusugan.
DOH: Sama-sama para sa Kalusugan ng Bawat Pilipino.


07/05/2026

Today, the Department of Health through the Cagayan Valley Center for Health Development joins the nation in honoring our health workers. We recognize your invaluable contributions and the heart you put into serving every Filipino.

From the frontlines to the farthest reaches of our region, you remain our guardians of health and hope. Thank you for your tireless sacrifice and for being the strength of our healthcare system.

Together, let us continue to build a healthier, safer, and more united society.

Mabuhay ang mga Health Workers!

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗬𝗨𝗧𝗘𝗥...TULAD NG;✅Ubo✅Sipon✅Lagnat✅Anxiety at Depression✅May naka...
06/05/2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗬𝗨𝗧𝗘𝗥...

TULAD NG;
✅Ubo
✅Sipon
✅Lagnat
✅Anxiety at Depression
✅May nakakahawang sakit tulad ng bulutong, tigdas at iba pa
✅Requirement sa trabaho tulad ng medical local at abroad
✅Medical certificate na gagamitin para sa School at Trabaho (fit to work/unfit to work)
✅Magpapabasa ng mga Laboratory results, X-ray, Ultrasound, CT-Scan etc...
✅Bagong pasyente na magpapakonsulta sa SIMC

Para sa iba pang mga katanungan tumawag sa 𝟬𝟵𝟲𝟭 𝟬𝟱𝟴 𝟱𝟴𝟭𝟬

o kaya'y mag chat m.me/simcopdtelemed





𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗬𝗨𝗧𝗘𝗥...

TULAD NG;
✅Ubo
✅Sipon
✅Lagnat
✅Anxiety at Depression
✅May nakakahawang sakit tulad ng bulutong, tigdas at iba pa
✅Requirement sa trabaho tulad ng medical local at abroad
✅Medical certificate na gagamitin para sa School at Trabaho (fit to work/unfit to work)
✅Magpapabasa ng mga Laboratory results, X-ray, Ultrasound, CT-Scan etc...
✅Bagong pasyente na magpapakonsulta sa SIMC

Para sa iba pang mga katanungan tumawag sa 𝟬𝟵𝟲𝟭 𝟬𝟱𝟴 𝟱𝟴𝟭𝟬
o kaya'y mag chat m.me/simcopdtelemed

‼️HIV STATUS NI MOMMY, DAPAT ALAMIN; UPANG SI BABY AY HEALTHY‼️Detalye sa comment section.
06/05/2026

‼️HIV STATUS NI MOMMY, DAPAT ALAMIN; UPANG SI BABY AY HEALTHY‼️

Detalye sa comment section.

‼️IWASAN ANG SILENT KILLER NA SAKIT SA PAGKONTROL NG PRESYON‼️Detalye sa comment section.
06/05/2026

‼️IWASAN ANG SILENT KILLER NA SAKIT SA PAGKONTROL NG PRESYON‼️

Detalye sa comment section.

📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗛𝗬𝗣𝗘𝗥𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗜𝗡𝗘Ngayong Mayo ay ginugunit...
06/05/2026

📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗛𝗬𝗣𝗘𝗥𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗜𝗡𝗘

Ngayong Mayo ay ginugunita ng Southern Isabela Medical Center ang Hypertension Awareness Month. Ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga Pilipino na maunawaan na ang altapresyon ay isang "silent killer"—walang sintomas ngunit maaaring humantong sa atake sa puso at stroke.

Sa talakayang ito, ipinapaalala sa atin na alagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng tamang pagsukat ng presyon ng dugo, malusog na pagkain, ehersisyo, at regular na check-up.

Hinihikayat ng buwang ito ang bawat pamilya na maging aktibo sa pag-iwas at maagang pagtuklas ng sakit, upang mabawasan ang bilang ng mga naaapektuhan ng hypertension.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Dr. Xyza Malenab mula sa SIMC - Department of Internal Medicine, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.





📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗢𝗣𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗢𝗨𝗧-𝗣𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧Bilang isang apex o tertiary level hospital ang Sou...
06/05/2026

📸𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 || 𝗢𝗣𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗠𝗖 - 𝗢𝗨𝗧-𝗣𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧

Bilang isang apex o tertiary level hospital ang Southern Isabela Medical Center (SIMC), mahalaga na alamin ang mga proseso ng pagpapatingin ng mga nararamdamang sakit at pagpapakonsulta sa mga doktor para sa mga pasyente na OPD (Out-Patient Department).

Ilan sa mga itinalakay ang mga serbisyong handog ng OPD mula sa mga iba't ibang departamento ng SIMC para sa mga pasyente, pagpunta sa triage at pagkuha ng QR code, pagpapacheck-up muna sa mga nars ng navigation, at pagfill-up ng PPI o Patient's Personal Information.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Mr. Samuel Quijano Jr., isang nars mula sa SIMC - Out-Patient Department (OPD) Services, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.



Address

Zamora Street , Rosario
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SIMC Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to SIMC Public Health Unit:

Share