30/10/2020
KAALAMAN SA RAYUMA O ARTHRITIS
😲👉Uso sa mga nagkakaedad ang pagkakaroon ng rayuma. Palantandaan daw ito na tumatanda na. Kung dati-rati ay madaling akyatin ang hagdanan at lumakad ng malayuan na walang anumang masakit na nararamdaman, nang magkaroon ng rayuma naging pahirapan na ang paghakbang. Ang dating maliksing pagkilos ng mga paa ay naging mabagal na nang tumama ang rayuma sa tuhod.
Bakit kaya nagkakarayuma at ano ang dahilan nito?
May paraan ba para hindi ito sapitin ng isang tao?
Mayroon bang gamot na makakapagpagaling sa sakit na ito?
URI NG RAYUMA O ARTHRITIS
✔Maraming uri ng rayuma o kung tawagin sa Ingles ay ARTHRITIS. Ngunit ang dalawa sa pinaka-madalas maranasan ng tao ay ang tinatawag na OSTEOARTHRITIS (OA) at RHEUMATOID ARTHRITIS (RA). Bagama’t pareho silang nasa kategorya ng ARTHRITIS at parehong nagdudulot ng masakit na pakiramdam, sila ay nagkaiba dahil ang OSTEOARTHRITIS ay bunga ng pagnipis at pagkasira ng CARTILAGE. Ang CARTILAGE ay makikita sa dulo ng magkarugtong na buto para huwag itong magkiskisan. Kadalasang nasisira o numinipis ang cartilage ng joint dala ng palagiang paggamit at paggalaw ng mga kasu-kasuan sa mahabang panahon. Ang tuhod, dahil sa trabaho nitong saluhin ang malaking bigat ng katawan bukod sa paggalaw ng palagian ay isa sa madalas tamaan ng OSTEOARTHRITIS. Samantala, ang RHEUMATOID ARTHRITIS ay problema rin sa kasu-kasuan ngunit and dahilan ng sakit na ito ay ang mismong IMMUNE SYSTEM ng katawan ang umaatake sa lining ng kasu-kasuan. Kung bakit ito nangyayari ay hindi pa matukoy ang dahilan.
👉Ang mga JOINTS o kasu-kasuan ay binubuo ng magkahugpong na mga buto. Maayos ang paggalaw ng bawat JOINTS dahil sa suporta ng mga nakapalibot dito gaya ng CARTILAGE, LIGAMENTS, SYNOVIAL MEMBRANE, TENDONS, BURSA, at SYNOVIAL FLUID. Kapag NASIRA o NAWALA sa NORMAL na PORMA ang isa sa mga suportang ito, mararamdaman ang PANANAKIT. APEKTADO na rin ang abilidad sa PAGGALAWA dahil sa PANINIGAS at LIMITADO ang PAGKILOS dahil madalas ay may kasabay itong PAMAMAGA.
👉Paano maiiwasan ang RAYUMA partikular ang OSTEOARTHRITIS?
Ang OSTEOARTHRITIS ang pinaka-karaniwang uri ng ARTHRITIS. Masasabing normal ito sa matatanda ngunit para maiwasan ang pagkakaroon nito sa batang edad, kailangang:
✔Panatilihin ang iyong tamang timbang. Kung ikaw ay OVERWEIGHT, mainam na magbawas na ng bigat habang maaga bago mo pa sapitin ang mas malalang problema. Ang labis na katabaan ay nagbibigay ng mas maraming puwersa sa mga kasukasuan tulad ng tuhod, balakang at mga paa na syang nagdadala ng kabuuang bigat ng katawan. Ang CARTILAGE na nagsisilbing SHOCK ABSORBER ng mga buto ay NAPUPUNIT o NUMINIPIS at NASISIRA kapag pwersado ang trabaho.
✔MAG-EHERSISYO. Mahalagang malakas ang mga kalamnan ng paa lalo na ang mga MUSCLE na nasa harapan ng hita. Mapalalakas ito sa pamamagitan ng squat (exercise). Maaari ring gawin ang paboritong sports bilang exercise. Palaging mag-ingat upang hindi ma injure o mapinsala ang mga kasukasuan. Alamin ang mga tamang hakbang bago magsimula ng isang sport o exercise. Kinabibilangan ito ng warm-up, stretching, cool down, tamang suot sa paa at iba pa. May pag-aaral kasi na mas tumataas ang tsansa ng OSTEOARTHRITIS sa joint na unang napinsala noong bata.
✔Kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids, Vitamin C at Vitamin D. Bagama’t hindi tuwirang sinasabi na may mga pagkaing makasusugpo sa OSTEOARTHRITIS, ang tatlong nabanggit na NUTRIENTS sa itaas ay nakababawas ng panganib at pumipigil sa paglala ng sakit na ito sa kasukasuan.
ANO ANG LUNAS SA OSTEOARTHRITIS?
👉Ang OSTEOARTHRITIS ay isang uri ng karamdaman na PANGMATAGALAN. Ibig sabihin, ang sira ng kasu-kasuan ay HINDI na maibabalik sa anyong GAYA NG DATI. Gayunpaman mayroon pa ring mga KAGAMUTAN na nakatuon sa paggamot ng mga sintomas gaya ng pagsakit, paninigas at pamamaga.
Ang mga konserbatibong paraan tulad ng pagbabago ng mga aktibidad sa araw-araw, pagiging aktibo, madalas na pagkilos at PHYSICAL THERAPY ay tiyak na malaki ang maitutulong upang maibsan ang hirap na dala ng OSTEOARTHRITIS.
👉Para naman sa ilan, ang pagsasailalim sa operasyon kung minsan ay kinakailangan. Dapat tandaan na pinakamabuti pa rin ang magpakonsulta sa doktor upang makatiyak sa kalagayan ng sumasakit na kasu-kasuan.
AMAZING MORINGA OIL can HELP para sa may mga RAYUMA, ARTHRITIS at IBA PA!!!
Try
Why AMAZING? Dahil pwedeng gamitin ang OIL sa mga sumusunodL:
✔SUGAT NG TAO AT KAHIT MGA ANIMALS
✔IWAS KAGAT NG LAMOK
✔PANGMASAHE
✔PANGPALAMBOT NG BUHOK
✔MASAKIT NA NGIPIN
✔HIGIT SA LAHAT, PWEDE INUMIN, DAHIL ITO AY NATURAL OIL
🍃🌸FIRST VITA PLUS MORINGA OIL OF LIFE🌸🍃
🌿Moringa Oil of Life - ORIGINAL 120ml
🌿Moringa Oil of Life - LEMONGRASS 120ml
🌿Moringa Oil of Life - GINGER LAVENDER 120ml
Just comment or contact:
0966-320-1704/0930-138-0332