City Health Office - City of Santo Tomas, Batangas

City Health Office - City of Santo Tomas, Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Health Office - City of Santo Tomas, Batangas, Health & Wellness Website, Sampalucan Road, San Miguel, Santo Tomas.

18/12/2025

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎| 𝗦𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝗱𝗶𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 sa 𝟮𝟵 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀) 𝗮𝘁 𝟮 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀) para mabigyan ng oras ang mga kawani ng gobyerno na magdiwang ng Bagong Taon at makabiyahe nang ligtas.

Mananatiling bukas ang mga ahensiyang nagbibigay ng basic, vital, at health services, habang ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakadepende sa desisyon ng kanilang pamunuan.

Source: Office of the President, MC No.111

17/12/2025

Bilang patunay ng malasakit at pantay na serbisyong pangkalusugan para sa lahat, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗠𝗮𝗵𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰 na may temang “𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗸𝗮, 𝗞𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗔𝗻𝗼 𝗣𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀 𝗠𝗼.”

Bukas ang MahALAGA Clinic sa City Health Office (CHO) na matatagpuan sa Rural Health Unit (RHU), Brgy. San Miguel, na magsisilbing ligtas at maaasahang espasyo para sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa larangan ng HIV prevention at care.

Kabilang sa mga serbisyong inaalok ang:
• Libreng HIV Counselling and Testing
• Libreng Pre-Exposure at Prophylaxis (PrEP )
• Iba pang kaugnay na serbisyong pangkalusugan at payo mula sa mga trained health professionals

Pinagtitibay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang paninindigan nito na ang bawat Tomasino ay karapat-dapat sa pag-aaruga, paggalang, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼

16/12/2025
para po sa mga kliente ng Animal bite na naka-schedule bukas, ang Animal Bite Treatment Center po ng Sto. Tomas ay gagan...
04/12/2025

para po sa mga kliente ng Animal bite na naka-schedule bukas, ang Animal Bite Treatment Center po ng Sto. Tomas ay gaganapin ng 8AM hanggang 12PM.

𝗔𝗕𝗜𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢| Ipinapaalam sa lahat na ang mga sumusunod na tanggapan ay hanggang 𝟭𝟮:𝟬𝟬𝗣𝗠 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 bukas araw, 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀 dahil sa isasagawang year end performance assessment:

• 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲,
• 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲
• 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿'𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲
• 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

02/12/2025

𝗔𝗯𝗶𝘀𝗼 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼| Upang mas mapabuti ang aming pasilidad at mga serbisyo, ang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC) ay kasalukuyang sumasailalim sa renovation. Kaugnay nito, pansamantala po tayong hindi tumatanggap ng admissions.

Patuloy ang serbisyo habang isinasagawa ang BEMONC renovation, gaya ng prenatal check-up, OB-Gyne consultation, at newborn screening mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, sa buong buwan ng Disyembre 2025.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta habang aming pinauunlad at ina-upgrade ang ating health facility para mas maging maginhawa, mas ligtas, at mas mahusay ang aming serbisyo.

#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼

20/11/2025

Isasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas, sa pamamagitan ng City Health Office, ang isang 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 sa darating na 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝟴:𝟬𝟬𝗔𝗠 – 𝟭𝟮:𝟬𝟬𝗡𝗡 sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹.

Layunin ng programa na makalikom ng sapat na suplay ng dugo na maaaring magligtas ng buhay ng ating mga kababayan sa oras ng pangangailangan. Sinusuportahan ang gawain na ito nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at ng Sangguniang Panlungsod bilang bahagi ng adbokasiya ng lungsod para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Tomasino.

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong donor na makiisa at magbigay ng kanilang dugong makapagliligtas ng buhay!

#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼

Address

Sampalucan Road, San Miguel
Santo Tomas
4234

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63434066539

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office - City of Santo Tomas, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to City Health Office - City of Santo Tomas, Batangas:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram