21/10/2025
โผ๏ธโTRANGKASO BYE-BYE!โ CAMPAIGN KONTRA FLU, INILUNSAD NG DOHโผ๏ธ
Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye!
Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye!
Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!โito ang mensahe ng DOH sa kampanya nitong โTrangkaso Bye-Byeโ na inilunsad bilang bahagi ng tamang edukasyon sa pag-iwas sa trangkaso o flu.
Nauna nang inihayag ng DOH na bagamat walang outbreak, nasa flu-season pa rin ang bansa mula sa panahon ng tag-ulan nitong Hunyo hanggang sa kasalukuyang pagpapalit ng monsoon season papuntang Amihan.
Batay sa latest surveillance ng DOH, nakapagtala ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na 25% mas mababa kumpara sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.
Ang ILI ay isang matinding impeksyon sa paghinga na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.
Sentro sa kampanyang Trankaso Bye-Bye! ang mga simpleng gawain para makaiwas sa pagkakasakit.