
10/08/2025
Masarap, Abot-Kaya, at Nutritious!
Ginanap kahapon, August 10, 2025, ang isang masayang Cooking Contest na dinaluhan ng ating mga loloβt lola mula sa Senior Citizen Federation of Sariaya and isang cooking contest sa Sariaya Sports Complex. Ang aktibidad ay pinangungunahan ng Municipal Nutrition Action Office ng bayan ng Sariaya bilang panghuling activity ng selebrasyon ng Nutrition Month.
Bilang aktibong katuwang sa adbokasiyang pangkalusugan at pang-nutrisyon, ipinadala ng ACE Medical Center Sariaya ang ating dietitian na si Ms. Sophiya Celine B. Dellosa, RND, bilang isa sa mga miyembro ng selection committee. Ang mga kalahok ay nagpakitang-gilas sa pagluluto ng tradisyonal na pagkaing Sariayahin na abot-kaya at masustansya β mga pamantayan para sa judging.
Bilang pasasalamat at token, namahagi rin si Ms. Dellosa ng formula drinks para sa senior citizens π. Salamat sa ating mga generous sponsors: Kalbe, Westmont Unilab, Nestle Health Science, at Abbott. Sa bandang huli, lahat ay panalo!