
03/07/2025
EYES HERE!
Protect. Educate. Empower.
Knowing your status is the first step in protecting your health and your future. HIV is no longer a death sentence—with early testing, proper treatment, and support, you can live a long and healthy life.
🧪 Get tested today — it’s quick and confidential!
❤️ HIV has no face. No age. No gender. Anyone can be affected.
Sariaya No.2 na tayo😟
Sa pinakahuling tala ng Center for Health Development Regional Epidemiology and Surveillance Unit 4-A nakapagtala na ang lalawigan ng Quezon ng 1,636 na kaso ng HIV mula taong 1987 hanggang Pebrero ngayong taon kung saan 58 sa mga ito ay mga bagong kaso na naitala mula Enero hanggang Pebrero 2025.
Ayon sa ulat pinakamarami pa rin ang kaso sa mga may edad na 25-34 taong gulang at sinundan ng mga nasa edad 15-24 taong gulang kung saan kabilang ang mga kabataan.
Gayundin naman, kapansin-pansin na mas marami ang lalaking apektado ng HIV kumpara sa mga babae. Sa paraan ng pagkakahawa pinakamarami ang naitala sa grupo ng mga MSM o lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso, patuloy na pinaaalalahanan ng Quezon PHO ang bawat isa na maging maingat at siguruhin at palaging ugaliin ang paggamit ng proteksyon upang maiwasan ang pagkakahawa. Ugaliin ding magpa-test para sa HIV, libre ang testing at mananatili itong confidential.
Kung sakaling magpositibo, huwag matakot sapagkat may mga pasilidad na pwedeng lapitan para sa libreng gamutan at pangangalaga.