
10/09/2025
DAPAT AT HINDI DAPAT AFTER BUNOT 🦷
🦷 Dapat Gawin:
1. Kumagat ng madiin ng malinis na bulak/gauze sa loob ng 30 minutes para tumigil ang pagdurugo.
2. Magpahinga, Iwasan muna ang mabibigat na gawain sa loob ng 24 hrs.
3. Cold compress – Maglagay ng yelo sa pisngi (10 minutes interval) sa unang 24 hours para mabawasan ang pamamaga — kumain ng icecream (walang peanuts or maliliit na butil)
4. Inumin ang pain relievers, kung may antibiotics na binigay inumin sa tamang oras, at if may mouthwash na nirecommend gamitin din ito.
5. SOFT DIET– Kumain ng lugaw, sopas, yogurt, itlog, o ibang malambot na pagkain sa unang 1–2 days (make sure na di mainit)
6. Uminom ng malamig o normal na tubig, pero huwag gumamit ng straw.
👎🏻 Iwasan:
* Iwasan ang dura ng dura, magmumog, or gumamit ng straw sa unang 24 hours (maaari matanggal ang namuong dugo).
* Huwag manigarilyo o uminom ng alak sa loob ng 48–72 hours or kung kaya ng 7 days.
* Huwag galawin ng dila, daliri, o anumang bagay ang area ng pinagbunutan.
* Huwag kumain ng matitigas, mainit, o maanghang na pagkain sa loob ng 48 hrs.
⚠️ CONTACT YOUR DENTIST IF:
* Hindi huminto ang pagdurugo after 24hrs.
* Malalang pamamaga ng mukha after 2–3 days
* Matinding sakit na kumakalat sa tenga, panga, o ulo (posibleng dry socket).
* nilalagnat o mabahong amoy mula sa sugat.
* magkaroon ng allergies sa niresetang gamot.