
24/07/2025
๐๐ฏ๐๐ ๐๐๐๐ซ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ฅ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐๐๐ ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฏ๐๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐
Bumisita ang mga Peer Counselors mula sa Cavite State University - Silang Campus sa evacuation center ng Brgy. Iba upang magsagawa ng psychosocial group dynamics para sa mga batang tatlong araw nang nananatili sa evacuation center dahil sa tuloy-tuloy na ulan. Pinangunahan ang aktibidad ni Sir Otep Callanta, RGC, RPm, Department Chair ng Psychology Department ng CvSU Silang.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at sa ilalim ng maayos na pangangalaga ni Kap Leo Belando. Layunin nitong mabigyan ang mga bata ng pagkakataong makapagpahinga sa gitna ng sakuna, maibsan ang kanilang pag-aalala, at makaramdam ng saya at suporta mula sa komunidad.