
10/05/2025
Ilang oras na lang at malalaman na natin ang ating landas na tatahakin.
Ang aking paglilingkod sa bayan ay itatakda ng tagumpay o pagsuko ng boses ng mga mamamayan ngayong Lunes.
Ang samahan ay bumuo ng pagkakaibigan na may pagtatangi ng pamilya. Saan man tayo dalhin ng kamay ng Maykapal, hindi natin ito sasalungatin, at tayo'y susunod sa gabay na may tunay na pananampalataya.
Sa ating buhay ang kailangan lamang natin ay Diyos na sinasampalataya, bayan na pinalilingkuran, at pamilya na mamahalin.
Aking patuloy na dalangin: Ama tulungan mo ako na tuluyang tuparin ang pangako ko sa Iyo.
Aking nais para sa lahat ay payapang buhay, at tagumpay sa lahat ng mabuting gawain.
Sa muli nating pagkikita sa mga susunod na araw, tayo ay patuloy na ngingiti at magsasaya nang may dangal.