03/07/2025
Totoo ba? Myths vs. Facts tungkol sa Rabies
Rabies: Hindi ito biro. Alamin ang katotohanan.
โ MYTH 1:
โHindi naman ako nakagat, nadilaan lang. Safe na siguro ako.โ
โ
FACT:
Hindi totoo. Ang laway ng hayop na may rabies ay pwedeng pumasok sa katawan sa pamamagitan ng bukas na sugat, gasgas, o mucous membranes (mata, bibig, ilong). Dila, gasgas, o kagat โ lahat yan pwedeng magdulot ng rabies.
โ MYTH 2:
โMaliit lang naman ang sugat. Hindi na siguro kailangan ng bakuna.โ
โ
FACT:
Kahit gaano kaliit ang sugat, basta galing sa hayop na posibleng may rabies โ kailangan pa rin ng bakuna. Mas mabuti ang sigurado kaysa magsisi.
โ MYTH 3:
โKapag hindi nangangagat ang hayop, wala siyang rabies.โ
โ
FACT:
Hindi lahat ng hayop na may rabies ay agresibo. Iba sa kanila ay tahimik lang pero infected na pala. Hindi dapat basehan ang ugali ng hayop sa pag-assess ng rabies risk.
โ MYTH 4:
โKapag 3 araw na at wala pa akong nararamdaman, ligtas na ako.โ
โ
FACT:
Ang sintomas ng rabies sa tao ay maaaring lumabas sa loob ng ilang linggo hanggang buwan. Kapag lumabas na ang sintomas, wala nang lunas.
โ MYTH 5:
โMay gamot naman ang rabies pag tinamaan.โ
โ
FACT:
Walang lunas ang rabies kapag nagkaroon na ng sintomas. Kaya napakahalaga ng agarang bakuna pagkatapos makagat, magasgas, o madilaan.
๐ Proteksyon ay Nasa Bakuna!
Kapag nakagat, nadilaan, o magasgasan ng hayop :
๐ Hugasan agad ng sabon at dumaloy na tubig
๐ Pumunta agad sa animal bite center
๐ Magpabakuna ng anti-rabies vaccine
๐ Sundin ang buong schedule
๐ Visit us at : Ground Floor MRRV Building, Bagong Barangay Street, Siniloan Laguna
(near Mcdo, same building as Dra. Victor pediatrics)
๐ 09624524816
๐ Find us on Google Maps : https://maps.app.goo.gl/5vZU9giHTTSbFqDC6