Christ is the Truth

Christ is the Truth The true essence of Love is only found in God above

( PAHAYAG 1 : 6 )  Ginawa niya tayong isang kaharian ng mga pari upang maglingkod sa kanyang Diyos at Ama. Kay Jesu-Cris...
18/09/2025

( PAHAYAG 1 : 6 ) Ginawa niya tayong isang kaharian ng mga pari upang maglingkod sa kanyang Diyos at Ama. Kay Jesu-Cristo ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesias. Ginamit nila mismo ang mga palagay at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus. Hindi ba ito isang katunayan? Kasing-simple ba ng iniisip natin ang paghihintay sa pagdating ng Panginoon? Kung babalik ang Panginoon at gagawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan tulad ngginawang Panginoong Jesus sa katawang-tao, at hindi natin Siya nakikilala, hahatulan at babatikusin rin ba natin Siya tulad ng ginawa ng mga Fariseo at ipapako Siyang muli sa krus? Ito ba ay isang posibilidad? Ang Panginoong Jesus ay nag propesiya na babalik Siya at nag sabi ng maraming salita tungkol dito, ngunit kayo ay kumakapit lamang sa propesiya na bababa ang Panginoon nang nasa mga alapaap at hindi hinahanap o iniimbestigahan ang iba pang higit na mas mahahalagang propesiyang sinabi ng Panginoon. Ginagawang madali nito ang paglakad sa maling landas at iiwanan ng Panginoon! Sa katunayan hindi lamang ang “pagbaba nang nasa mga alapaap” ang ipinropesiya sa Biblia. Marami ring propesiya tulad ng pagdating ng Panginoon gaya ng isang magnanakaw at bababa nang palihim. Tulad ng

( Pahayag 16 : 15 ) “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.”

( Mateo 25 : 6 ), “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.”

At ( Pahayag 3 : 20 ) “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.”

Ang lahat ng mga propesiyang ito ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao at pagbaba nang palihim. “Gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan na darating nang tahimik, palihim. Hindi malalaman ng mga tao na Siya ay Diyos kahit na nakikita o naririnig nila Siya, tulad noong mga panahong ang Panginoong Jesus ay nagpakita at gumanap sa Kanyang gawain. Pagdating sa labas, ang Panginoong Jesus ay isa lamang ordinaryong Anak ng tao at walang nakakaalam na Diyos Siya, kaya ang Panginoong Jesus ay ginamit ang “gaya ng magnanakaw” bilang isang pagkakatulad sa pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Talagang naaangkop ito! Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan, kahit gaano pa magsalita o gumawa ang Diyos sa katawang-tao, o gaano karami ang mga katotohanang inihahayag Niya, hindi nila tinatanggap. Sa halip, ituturing nila ang katawang-taong Diyos bilang isang normal na tao at binabatikos at iniiwan Siya. Kaya nag propesiya ang Panginoong Jesus na kapag Siya ay babalik:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” ( Lucas 17 : 24 – 25 ).

Batay sa propesiya ng Panginoon, ang Kanyang pagbabalik ay magiging “ang pagdating ng Anak ng tao.” Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa nagkatawang-taong Diyos, hindi ang espirituwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus na bumababa nang nasa mga alapaap upang lantarang magpapakita sa harap ng lahat ng tao. Bakit natin nasabi iyan? Isipin natin ang tungkol dito. Kung iyon ang espirituwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus na bumababa sa publiko nang nasa mga alapaap, magiging lubhang makapangyarihan iyon at gugulatin ang mundo. Dadapa ang lahat sa lupa at walang sinuman ang mangangahas na manlaban. Sa kasong iyon, tiisin pa rin bang nagbalik na Panginoong Jesus ang maraming paghihirap at tanggihan ng henerasyong ito? Talagang hindi! Iyon ang dahilan kung bakit ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na ang Kanyang pagbabalik ay magiging “ang pagdating ng Anak ng tao” at “gaya ng magnanakaw.” Sa katunayan, tumutukoy ito sa nagkatawang-taong Diyos bilangAnak ng tao na dumarating nang palihim.

mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian24

( PAHAYAG 1 : 7 )Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga tumusok sa kan...
18/09/2025

( PAHAYAG 1 : 7 )
Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga tumusok sa kanya; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Magkagayon nawa. Amen.

Kaya ano ang relasyon sa pagitan ng Anak ng tao na bumababa nang palihim upang magpakita at gampanan ang Kanyang gawain at ang Diyos na lantarang nagpapakita sa pamamagitan ng pagbaba ng nasa mga alapaap? Ano ang kabilang sa prosesong ito? Pag-usapan natin iyon nang simple. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at bababa nang palihim sa mga tao upang magbigkas at magsalita, ginagampanan ang gawain ng paghatol magsimula sa bahay ng Diyos, dinadalisay at ginagawang perpekto ang lahat ng nakakarinig ng Kanyang tinig at bumabalik sa harapan ng Kanyang trono at ginagawa silang isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos ay dinadala ng Diyos ang malaking sakuna, dadalisayin at kakastiguhin ang lahat ng mga taong hindi tumatanggap sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, bababa ang Diyos ng nasa mga alapaap upang lantarang magpakita sa harap ng lahat ng tao. Ganap na tutuparin niyon ang propesiya sa

( Pahayag 1 : 7 ) “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.”

Kapag bumababa ang Panginoon ng nasa mga alapaap, makikita pa rin ba Siya ng mga nagpako sa Kanya? Sino ba ang mga taong tumuhog sa Kanya? May ilang nagsasabi na iyon daw ang mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus. Iyon ba talaga ang totoo? Hindi ba’t matagal nang isinumpa at winasak ng Diyosang mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Sa katotohanan, yaong mga tumuhog sa Kanya ay ang mga taong, sa panahong bumaba nang palihim ang nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw upang gumawa, hindi hinahanap ang tinig ng Diyos at binabatikos at nilalabanan ang Makapangyarihang Diyos. Sa panahong iyon, makikita nila ang Makapangyarihang Diyosna kanilang nilabanan at binatikos ay walang iba kundi ang Tagapagligtas na si Jesus na matagal na nilang hinihintay sa haba ng panahon. Dadagukan nila ang kanilang mga dibdib, iiyak at magngangalit ang kanilang mga ipin, at ang kanilang kahihinatnan ay kaparusahan lamang. Hindi sinasabi ng Libro ng Pahayag kung ang mga naturang tao ay mabubuhay o mamamatay sa huli, kaya hindi natin malalaman. Tanging Diyos ang nakakaalam. Tanging ang mga matatalinong dalagana nakakarinig sa tinig ng Diyos ang may pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos upang dumalo sa piging ng kasal ng Kordero, at gagawing perpekto ng Diyos bilang isang mananagumpay. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag:

“Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero” ( Pahayag 14 : 4 ).

Sa mga kumakapit lamang sa paniniwalang bababa ang Panginoon nang nasa mga alapaap ngunit hindi hinahanap at iniimbestigahan ang gawain ng Diyos samga huling araw, itinuturing silang mga mangmang na dalaga. Lalo na yaong mga galit na lumalaban at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos, sila ang mga Fariseo at anticristong inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang lahat ng mga taong nagpako muli sa Diyos sa krus. Ang lahat ng mga taong ito ay mahuhulog sa malalaking sakuna at tatanggap ng parusa. Samakatuwid, anong pagkakamali ang nagawa ng mga taong sasalubungin lamang ang Diyos na bumababa nang nasa mga alapaap, anong uri ng mga tao sila, at ano ang kanilang kahihinatnan, ay ang mga bagay na naniniwala akong malinaw dapat sa lahat.

mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Almighty God say's👑Sa kasalukuyan, maraming taong nasa gitna ng mga pagsubok at hindi nauunawaan ang gawain ng Diyos, ng...
17/09/2025

Almighty God say's👑
Sa kasalukuyan, maraming taong nasa gitna ng mga pagsubok at hindi nauunawaan ang gawain ng Diyos, ngunit sinasabi Ko sa iyo: Kung hindi mo ito nauunawaan, mas mabuti pang huwag mo itong husgahan. Marahil ay darating ang araw na lalabas ang buong katotohanan, at saka mo ito mauunawaan. Makakabuti sa iyo ang hindi manghusga, subalit hindi maaaring maghintay ka lamang nang walang kibo. Kailangan mong hangarin na aktibong makapasok; saka ka lamang tunay na makakapasok. Dahil sa kanilang pagkasuwail, laging nakakabuo ang mga tao ng mga kuru-kuro tungkol sa praktikal na Diyos. Dahil dito ay kailangang matutuhan ng lahat ng tao kung paano maging masunurin, sapagkat ang praktikal na Diyos ay isang napakalaking pagsubok para sa sangkatauhan. Kung hindi mo kayang manindigan, tapos na ang lahat; kung wala kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos. Ang isang napakahalagang hakbang kung magagawang perpekto ang mga tao o hindi ay ang kanilang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos. Ang pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao na pumarito sa lupa ay isang pagsubok sa bawat tao; kung makakapanindigan ka tungkol dito, magiging isa kang tao na kilala ang Diyos, at magiging isa kang tao na tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung hindi ka makapanindigan tungkol dito, at sa Espiritu ka lamang naniniwala at hindi mo kayang maniwala sa pagiging praktikal ng Diyos, gaano man kalaki ang iyong pananampalataya sa Diyos, mawawalan iyan ng silbi. Kung hindi mo kayang maniwala sa Diyos na nakikita, kaya mo bang maniwala sa Espiritu ng Diyos? Hindi ba tinatangka mo lamang na lokohin ang Diyos? Hindi ka masunurin sa harap ng nakikita at nahihipong Diyos, kaya may kakayahan ka bang magpasakop sa harap ng Espiritu? Ang Espiritu ay hindi nakikita at hindi nahihipo, kaya kapag sinabi mong nagpapasakop ka sa Espiritu ng Diyos, hindi ba kalokohan lamang ang sinasabi mo? Ang susi sa pagsunod sa mga kautusan ay ang pagkakaroon ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos, magagawa mo nang sundin ang mga kautusan. May dalawang bahagi ang pagsunod sa mga ito: Ang isa ay pagkapit sa diwa ng Kanyang Espiritu, at sa harap ng Espiritu, pagtanggap sa pagsusuri ng Espiritu; ang isa pa ay pagkakaroon ng tunay na pagkaunawa sa nagkatawang-taong laman, at tunay na pagpapasakop. Sa harap man ng katawang-tao o sa harap ng Espiritu, kailangang palaging magpasakop at magpitagan ang isang tao sa Diyos. Ganitong tao lamang ang karapat-dapat na gawing perpekto. Kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos—ibig sabihin, kung nakapanindigan ka na sa pagsubok na ito—walang anumang magiging mahirap para sa iyo

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

( PAHAYAG 1 : 16 PBS )May hawak siyang pitong bituin sa kanang kamay, at lumabas sa kanyang bibig ang isang matalas na t...
15/09/2025

( PAHAYAG 1 : 16 PBS )
May hawak siyang pitong bituin sa kanang kamay, at lumabas sa kanyang bibig ang isang matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. Ang kanyang mukha ay nakakasilaw tulad ng araw sa katanghaliang-tapat.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Narinig na ba ninyo ngayon ang mga salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay dumating na sa inyo. Naririnig ba ninyo ang mga ito? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng mga salita sa mga huling araw, at ang gayong mga salita ay yaong sa Banal na Espiritu, sapagkat ang Diyos ang Banal na Espiritu at maaari ding maging tao; samakatuwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na pinag-uusapan noong araw, ay ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ngayon. Maraming mga katawa-tawang taong naniniwala na dahil ang Banal na Espiritu ang nagsasalita, dapat manggaling ang Kanyang tinig sa kalangitan para marinig ng mga tao. Sinumang nag-iisip sa ganitong paraan ay hindi alam ang gawain ng Diyos. Ang totoo, ang mga pagbigkas na sinasambit ng Banal na Espiritu ay yaong mga sinambit ng Diyos na naging tao. Hindi kaya ng Banal na Espiritu na magsalita nang tuwiran sa tao; kahit sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi nagsalita si Jehova nang tuwiran sa mga tao. Hindi ba mas malamang na hindi Niya gawin iyon sa kapanahunang ito ngayon? Para sumambit ng mga pagbigkas ang Diyos para magsagawa ng gawain, kailangan Siyang maging tao; kung hindi, hindi maisasakatuparan ng Kanyang gawain ang mga layunin nito. Yaong mga nagkakaila sa Diyos na nagkatawang-tao ay yaong mga hindi nakakakilala sa Espiritu o sa mga prinsipyong sinusunod ng Diyos sa paggawa.
mula sa “Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

mula sa Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos

( PAHAYAG 1 : 14 PBS )Ang kanyang ulo at buhok ay kasimputi ng balahibo ng tupa o ng niyebe, at ang kanyang mga mata'y p...
14/09/2025

( PAHAYAG 1 : 14 PBS )
Ang kanyang ulo at buhok ay kasimputi ng balahibo ng tupa o ng niyebe, at ang kanyang mga mata'y parang apoy na nagliliyab.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Sa loob ng ilang libong taon, pinanabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinanabikan na ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas sakay ng isang puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna ng mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong taon. Hinangad na rin ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muli nilang makasama; ibig sabihin, inasam nilang bumalik si Jesus na Tagapagligtas, na nahiwalay sa mga tao sa loob ng libu-libong taon, at muling isakatuparan ang gawain ng pagtubos na Kanyang ginawa sa mga Judio, maging mahabagin at mapagmahal sa tao, patawarin ang mga kasalanan ng tao at pasanin ang mga kasalanan ng tao, at pasanin maging ang lahat ng paglabag ng tao at palayain ang tao mula sa kasalanan. Ang pinananabikan ng tao ay ang maging katulad ng dati si Jesus—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, mabait, at kapita-pitagan, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman sinasaway ang tao, kundi pinatatawad at pinapasan ang lahat ng kasalanan ng tao, at mamamatay pa sa krus, tulad ng dati, para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulong sumunod sa Kanya, gayundin ang lahat ng banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nananabik sa Kanya at naghihintay sa Kanya. Lahat ng naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay matagal nang nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay bababa sakay ng isang puting ulap upang humarap sa lahat ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat ng tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Lahat sa buong sansinukob na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay matagal nang desperadong nananabik na biglang dumating si Jesucristo upang tuparin ang sinabi ni Jesus habang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Naniniwala ang tao na, kasunod ng pagkapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, bumalik si Jesus sa langit sakay ng isang puting ulap upang umupo sa Kanyang lugar sa kanang kamay ng Kataas-taasan. Sa gayon ding paraan, bababang muli si Jesus sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong matagal nang desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libu-libong taon, at na tataglayin Niya ang imahe at pananamit ng mga Judio. Matapos magpakita sa tao, pagkakalooban Niya sila ng pagkain, at pabubukalin ang tubig na buhay para sa kanila, at mamumuhay Siya sa piling ng tao, puspos ng biyaya at puspos ng pagmamahal, buhay at tunay. Ang lahat ng gayong kuru-kuro ang pinaniniwalaan ng mga tao. Subalit hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inakala ng tao. Hindi Siya dumating sa mga naghangad sa Kanyang pagbalik, at hindi Siya nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Dumating na Siya, ngunit hindi alam ng tao, at nananatili silang walang alam. Naghihintay lamang ang tao sa Kanya nang walang layon, nang hindi namamalayan na bumaba na Siya sakay ng isang “puting ulap” (ang ulap na Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw.
mula sa “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

mula sa Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos

( PAHAYAG 1 : 13 PBS )Nakatayo sa gitna ng mga ilawan ang isang parang anak ng tao na nakasuot ng mahabang damit, at may...
13/09/2025

( PAHAYAG 1 : 13 PBS )
Nakatayo sa gitna ng mga ilawan ang isang parang anak ng tao na nakasuot ng mahabang damit, at may gintong pamigkis sa kanyang dibdib.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Maaari kayang nasabi Niya sa pangkat ninyong ito? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paano Siya umalis, nakasakay sa isang ulap, ngunit nalalaman mo ba kung paano talaga ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talaga ngang nakikita mo, paano maipaliliwanag ang mga salitang binigkas ni Jesus? Sinabi Niya: Kung kailan man darating ang Anak ng tao sa mga huling araw, Siya Mismo ay hindi makakaalam, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng buong sangkatauhan. Tanging ang Ama ang makakaalam, ibig sabihin, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi nakaaalam, ngunit ikaw ay nakakikita at nakaaalam? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, hindi ba’t ang pagbigkas ng mga salitang ito ay mawawalan ng kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus nang panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon walang taong makaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Aking Ama lamang. At tulad noong panahon ni Noe, magiging ganito rin ang pagparito ng Anak ng tao. … Kaya nga kayo’y magsihanda rin; sapagkat darating ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo naiisip.” Kapag dumating na ang araw na iyon, Mismong ang Anak ng tao ay hindi ito malalaman. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong anyo ng Diyos, na isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman?
mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

mula sa Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos“Ang isang normal na buhay espiritwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia...
13/09/2025

Sabi ng Makapangyarihang Diyos“Ang isang normal na buhay espiritwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, nguni’t ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espiritwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espiritwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa paggalaw sa labas—at hindi nagpopokus sa resulta—sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin at pagkanta ng tao, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa kalakaran; hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagka’t lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpokus lamang sa pamamaraan, at pagturing sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, nguni’t pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. … Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang paraang gumawa ng gawain, sapagka’t ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos” (“May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal”).

゚ ゚

2️⃣ ( 1 Pedro  4 : 7 ) ."Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na"Sabi Ng Makapangyarihang Diyos Sa panghul...
13/09/2025

2️⃣ ( 1 Pedro 4 : 7 ) ."Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na"

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan inihahayag Niya ang lahat ng di-matuwid, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto ang mga nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid.

Hinango mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

( Mateo 24 : 37 ) .“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”Sabi Ng Makapangyari...
11/09/2025

( Mateo 24 : 37 ) .“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon”

( “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ( 4 )” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

( Pahayag 22 : 14 ) .“Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy...
10/09/2025

( Pahayag 22 : 14 ) .“Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan”

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at mangumpisal sa harap ng Diyos, at kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna”

( “Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ).

3️⃣ ( Mateo 11 : 28 – 30 ) “Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y Aking ...
09/09/2025

3️⃣ ( Mateo 11 : 28 – 30 ) “Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y Aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagka’t Ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka’t malambot ang Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan”

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Dahil hindi nakikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may pagtanggi at mapanghimagsik na saloobin, at palaging nais isantabi ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasa nang walang-saysay na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang kapalaran. Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay at nahahadlangan sila sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa ay nagdudulot ng matinding sakit na tila tagos hanggang buto habang unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay. Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay ipinanganak na hindi maswerte? Malinaw na alinman dito ay hindi totoo. Pangunahin na ito ay dahil sa mga landas na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay”

( “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” ).

( Juan 8 : 31 ) ,“Kung kayo’y magsisipanatili sa Aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko” Sabi Ng ...
08/09/2025

( Juan 8 : 31 ) ,“Kung kayo’y magsisipanatili sa Aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko”

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Walang sinuman ang nagpaplano na tahakin ang landas na ito habambuhay, na naghahanap sa katotohanan upang magkamit ng buhay at maunawaan ang Diyos at, kalaunan, mabuhay nang makabuluhan kagaya ni Pedro. Sa gayon, habang nasa daan, lumilihis ang mga tao sa kanilang landas, walang puwang ang Diyos sa kanilang puso, at hindi na sila ginagawaan ng Banal na Espiritu. Sila ay lumalakad sa landas nang paurong. Lahat ng napagdusahan nila, lahat ng sermon na napakinggan nila, lahat ng taon na naging mga alagad sila—lahat ng ito ay nawalan ng kabuluhan. Lubhang mapanganib ang bagay na ito! Madali ang bumaba, ngunit mahirap ang lumakad sa tamang landas at piliin ang landas na tinahak ni Pedro. Karamihan sa mga tao ay mga naguguluhan! Hindi nila matukoy ang tamang landas at ang maling landas. Pagkatapos na marinig ang napakaraming sermon at basahin ang napakarami sa mga salita ng Diyos, nalalaman nila na Siya ay Diyos, ngunit hindi pa rin sila naniniwala sa Kanya; alam nila na ito ang tunay na daan, ngunit hindi pa rin nila ito matahak. Napakahirap iligtas ng mga tao!

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, Pagpili ng Tamang Daan ang Pinakamahalaga

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Address

Mauboy
Sipalay
6113

Telephone

+639105354429

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ is the Truth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Christ is the Truth:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram