
22/09/2025
Hinihikayat ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Sipocot at kanilang mga pamilya na aktibong makiisa sa pagdiriwang ng Family Week at italaga ang panahong ito sa pagpapatibay ng ugnayan at pagmamahalan sa loob ng pamilya.
๐ข OPISYAL NA PAALALA
Sa paggunita ng Family Week alinsunod sa Proclamation No. 60 (s. 1992) at ng โKainang Pamilya Mahalagaโ Day sa bisa ng Proclamation No. 326 (s. 2012), at kaugnay ng Memorandum Circular No. 96 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo:
๐๏ธ Ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Executive Branch ay suspendido sa Setyembre 22, 2025 (Lunes) simula 1:00 n.h.
๐ Gayunpaman, ang mga pangunahing tanggapan na may kinalaman sa serbisyong panlipunan, kalusugan, pang-emerhensiya, at pagtugon sa sakuna ay magpapatuloy sa operasyon.
Hinihikayat ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Sipocot at kanilang mga pamilya na aktibong makiisa sa pagdiriwang ng Family Week at italaga ang panahong ito sa pagpapatibay ng ugnayan at pagmamahalan sa loob ng pamilya. ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆโค๏ธ