Siquijor Healers Life Coaching Services

Siquijor Healers Life Coaching Services Pagpapagaling sa Kapwa, Kalikasan at Lipunan. Permaculture. Spiritual Healing. Life Coaching. Siquijor, Philippines.
(3)

May isang kaibigan akong insekto na nagbulong sa akin ng mensahe...Wag niyo maliitin ang mga dumadapo sa inyong mga gani...
28/11/2025

May isang kaibigan akong insekto na nagbulong sa akin ng mensahe...

Wag niyo maliitin ang mga dumadapo sa inyong mga ganito kasi may malaking pahiwatig sila sa buhay natin.

Ano ang makita mong pahiwatig niya? 😇

27/11/2025

May buhay sa labas ng social media na hindi mo kailangan i-post.

17/11/2025

Kapatid pasensya na hindi ako nakakapost masyado dahil napakabusy sa paggawa ng farm. Magtanim tayo para may aanihin balang araw.

16/11/2025

PRAKTIKAL NA EDUKASYON

Si Gabriel ay anak ni Margie na kasamahan namin dito. Tinuruan namin siya paano mangisda at nakakuha siya ng isa. Ito ang mga skill na dapat sana ituro sa mga bata - araw-araw magamit paano mabuhay. Wag natin sana sila turuan sa school ng mga hindi magagamit na kaalaman o impormasyon.

Ituro natin ang mga nakakatulong sa paglago nila sa pisikal, mental, emosyonal, spiritual, professional, social at financial na aspeto - pakglalahatang self-improvement papuntang Langit.

Yan ang gusto namin ituro dito sa Siquijor Healers School / Life Coaching Services. 🙏

Mas mabuting may maruming damit sa pagtrabaho at malinis na konsensya...Kesa malinis na damit pero maruming konsensya.Ma...
13/11/2025

Mas mabuting may maruming damit sa pagtrabaho at malinis na konsensya...

Kesa malinis na damit pero maruming konsensya.

Mabuhay ang mga magsasaka at manggagaw na lumalaban ng patas!

Ang totoong karangalan ay nasa pakikiisa sa kapwa at pag-alaga sa kalikasan.

Wala sa damit na bihis natin ang basehan ng Diyos sa paghusga sa katayuan natin kundi nasa puso natin.

Magandang lagyan ng net ang manukan para hindi sila makalabas.Tinahi namin ang chicken net gamit ang mga luma at naputol...
12/11/2025

Magandang lagyan ng net ang manukan para hindi sila makalabas.

Tinahi namin ang chicken net gamit ang mga luma at naputol na fiber optic lines. Upcycling ito. Gumagamit ng mga luma at nasirang gamit para mapakinabangan

Gumamit kami ng kawayan at nipa para sa bahay ng manok.

Simple lang at epektibo. Di naman kailangan ng masyadong kumplikadong setup para magsimula ng farming.

Nagfarming ka din ba ng manok, kapatid?

Sino ang gusto matuto paano gumawa ng Earthcrete (Lupakreto)?Ito ang isang mura, matibay at eco-friendly na paraan ng pa...
11/11/2025

Sino ang gusto matuto paano gumawa ng Earthcrete (Lupakreto)?

Ito ang isang mura, matibay at eco-friendly na paraan ng pagconstruction.

Happy birthday kay Ate TC. ❤️🙏🎉
10/11/2025

Happy birthday kay Ate TC. ❤️🙏🎉

Para maayos ang pag-utos natin sa pagpapagawa ng trabaho, kailangan tayo mismo din ang magtrabaho.Nagpapatrabaho ako sa ...
09/11/2025

Para maayos ang pag-utos natin sa pagpapagawa ng trabaho, kailangan tayo mismo din ang magtrabaho.

Nagpapatrabaho ako sa mga trabahante at nakikitrabaho din ako kasama sila.

Mas makaintindi tayo sa mga trabahante natin kung tayo ay nakiisa sa kanila. Mas magabayan din natin sila at mabigyang inspirasyon.

Ako ay hindi nahihiya na magtrabaho sa farming at construction. Ako ang nagdisenyo at nagplano pero ako din ang kasama ng mga workers ko sa paggawa minsan ng direktang pisikal.

Earthcrete: Ang Lupa na Nagiging Bahay! 🌱Opo, posibleng magbuhos gamit lupa at bato na may halong semento. Kaya din hind...
08/11/2025

Earthcrete: Ang Lupa na Nagiging Bahay! 🌱

Opo, posibleng magbuhos gamit lupa at bato na may halong semento. Kaya din hindi ako makapameditate ngayon kasi pagod kami sa pagtrabaho.

Ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo ang isang bagay na malapit sa aking puso at sa aming farm resort dito sa Cangmatnog, Siquijor – ang Earthcrete.

Ano nga ba ang Earthcrete? Ito ay isang uri ng materyales sa pagtatayo na gumagamit ng mga natural na sangkap mula sa ating lupa: **lupa, bato, dayami (straw), at kaunting semento** para maging matibay. Parang ginagawa nating semento ang mismong lupa!

Bakit nga ba maganda ang Earthcrete?

1. Mura at Abot-kaya: Ang pangunahing sangkap nito ay galing mismo sa ating paligid – ang lupa! Kaya mas makakatipid tayo sa gastos kumpara sa tradisyonal na semento.

2. Eco-Friendly: Dahil mas kaunti ang sementong ginagamit, mas maliit ang carbon footprint nito. Nakakatulong tayo sa pagprotekta ng ating Inang Kalikasan! Ang dayami naman ay nagbibigay ng natural na insulation at nagpapababa ng pangangailangan sa enerhiya.

3. Matibay at Pangmatagalan: Huwag maliitin ang lupa! Kapag tama ang pagkakagawa, ang Earthcrete ay napakatibay at kayang tumagal ng maraming taon. Ito ay lumalaban sa sunog at peste.

4. Natural na Cooling: Ang mga bahay na gawa sa Earthcrete ay natural na malamig sa loob, lalo na sa mainit na klima ng Pilipinas. Hindi na kailangan ng masyadong aircon!

5. Maganda at Organiko: Ang natural na kulay at texture ng lupa ay nagbibigay ng kakaibang ganda at init sa bawat istraktura. Masarap sa pakiramdam na nakatira ka sa isang bahay na gawa sa lupa.

Dito sa aming farm resort, ginagamit namin ang Earthcrete para sa aming mga sahig at iba pang istraktura. Ito ay isang paraan upang ipamuhay ang prinsipyo ng permaculture – ang paggamit ng mga lokal na resources at pagtatayo ng mga sustainable na solusyon.

Kung interesado kang matuto pa tungkol sa Earthcrete o kung paano mo ito magagamit sa iyong sariling proyekto, huwag kang mag-atubiling magtanong! Sama-sama nating itayo ang mas sustainable at mas magandang kinabukasan.

Address

Cangmatnog
Siquijor
6225

Telephone

+639677343367

Website

https://school.ericroxas.com/, https://www.siqhealers.com/, https://www.engkantao.shop/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Siquijor Healers Life Coaching Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram