28/11/2025
Ang Daming namamatay sa Dengue dahil sa maling pagka-intindi.
ANO ANG GAMOT KONTRA DENGUE?
Sa dengue, nakasulat sa medical na libro ang platelets ay bumababa usually at 3rd day of fever. Bababa ito araw araw at umaakyat ang platelets ulit simula 6th days from the start of fever.
Almost constant po yan na pattern. Almost predictable.
Delikado ba na mababa ang platelets? Di talaga ang low platelets ang nagbibigay ng peligro kundi ang dehydration na nakaka-ulcer ng bituka nakaka low blood pressure.
Kung may dehydration may ulcer, kung may ulcer may bleeding, kung mababa ang platelet, mas malubha ang bleeding.
Pero ang mababang platelet ba ang dahilan ng ulcer? Hindi diba? Kundi ang dehydration.
Kung walang dehydration, walang ulcer, so walang bleeding ang bituka kahit mababa ang platelet.
Bakit may dehydration ang dengue? Dahil yun sa mga butas sa blood vessels na sanhi ng paglabas ng fluids (in english : Plasma Leakage).
Paano malalaman kung hydrated? Malakas at madalas na ihi na light yellow ang color. At least less than 4 hours interval ng ihi.
Lumalala ang dehydration pagpa*ok ng 3 days ng lagnat so mas maganda if may dextrose lalo na kung matamlay para mas mahabol ang dehydration .
Effective ba ang Tawatawa o Papaya? Sa dami na ng dengue patients na nakita ko, ang napansin ko ay, with or without herbal tumataas talaga ang platelets after 6 days simula ng lagnat sa mga pasyenteng malakas umihi. Yung severely dehydrated lalo na yung delayed ang pagpachek at di na gaano umiihi, kahit anong herbal, patay pa rin! So option niyo na ang herbal basta importante hydrated.
Alam niyo ba na may isa ring sakit na mababa ang platelet pero hindi dengue? Ang tawag doon ay ITP or Idiopathic Thrombocytopenic Purpura.
Ang kaibahan nito sa dengue ay wala silang dehydration kaya kahit 5 nalang platelet ay naglalaro pa rin. At di gaya ng dengue na consistent na tumataas ang platelet after 6 days ang ITP ay walang malinaw na araw.
Yung iba tumataas after 3 months, yung iba 1 year, yung iba 5 years.
Sinusubukan din naman ng mga ITP patients ang pagtake ng Tawatawa at Papaya pero wala daw effect sa pagakyat ng platelets nila.
Di kaya ang dahilan na madaming naniniwala na effective na pampataas ang herbal ng platelet sa dengue ay dahil nagkataon lang na paakyat na talaga ang platelet dahil 6 days na?
Diba kung tumataas ang platelets sa tawatawa sa dengue, dapat tataas rin dapat sa ITP? Sa ITP nabibisto na di talaga effective ang Tawatawa o Papaya.
My point, di po ako anti-herbal, ang alam ko lang is in Dengue management, time is gold. Dehydration ang kalaban mo. Kung di mo alam na dehydration pala at nafocus ka sa herbal at di mo inobserbahan ang ihi mo ay baka madehydrate ka at mag-organ failure ng di mo napansin.
Dr. Richard Mata
Pedia
Former DOH and WHO Dengue Consultant
For videos tap