Municipal Health Office- Subic

Municipal Health Office- Subic Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Health Office- Subic, Health & Wellness Website, national Highway, manganvaca, Subic.

Sa paguutos ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, atin pong binisita ang mga kababayan nating nag evacuate sa kanilang m...
08/09/2025

Sa paguutos ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, atin pong binisita ang mga kababayan nating nag evacuate sa kanilang mga tahanan noong Sabado, September 6, 2025. Ito ay sa mga Barangay
- Naugsol
- San Isidro
- Santo Tomas
- Calapacuan
- Calapandayan

Tayo po ay nangonsulta, nag bigay ng gamot at namahagi ng mga Jerrycans at Hygiene Kit.

Katuwang po nating nagikot si Konsehal Ryan Gonzales , Councilor on Health at mga Kapitan ng bawat Barangay.

06/09/2025
Lung Health Day – September 04, 2025✅ Libreng Chest X-Ray✅ Libreng TB ScreeningSa kabila ng maulang panahon, matagumpay ...
05/09/2025

Lung Health Day – September 04, 2025

✅ Libreng Chest X-Ray
✅ Libreng TB Screening

Sa kabila ng maulang panahon, matagumpay pa rin nating naisagawa ang buwanang Lung Health Day (unang Huwebes ng bawat buwan) sa Subic Municipal Market.

Ang programang ito ay patuloy na isinasagawa sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, kasama ang Municipal Health Office ng Subic, para sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa sakit sa baga.

Maraming Salamat din po sa pamunuan ng Subic Market sa pangunguna ni Sir Vic Mayor, PBSP at DOH TB Platform.

Barangay San Isidro, wagi sa Gulayan sa Komunidad Contest ng Provincial Government.Sa ngalan po ng ating butihing Mayor ...
03/09/2025

Barangay San Isidro, wagi sa Gulayan sa Komunidad Contest ng Provincial Government.

Sa ngalan po ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, isang malugod na pagbati sa mga nag-effort sa nasabing patimpalak.

Ang programang ito ay pinangunahan ng ating mga farmers at opisyales mula sa Barangay San Isidro at ng Department of Agriculture, Subic. Ito ay isang joint program/competetion mula sa Provincial Agriculture Office at Provincial Health Office (PNAO) ng Zambales.

Layunin nito na maging self-sustaining ang isang barangay sa pagtatanim ng mga gulay na syang pwedeng pagkaen para sa mga tao, lalong lalo na ang mga bata, upang maiwasan ang Malnutrition.

Sa ngalan po ng opisina ng Municipal Health Office- Subic Maligayang Kaarawan Mayor Jon Khonghun! Maraming Salamat po sa...
01/09/2025

Sa ngalan po ng opisina ng Municipal Health Office- Subic Maligayang Kaarawan Mayor Jon Khonghun! Maraming Salamat po sa patuloy na pag suporta at pag develop ng mga programang pangkalusugan ng Bayan ng Subic.

Godbless you Sir!

31/08/2025

⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!

Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?
Ito ang unang yakap ni baby—nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso.

Bakit mahalaga ang unang hakab?
👶 Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
🛡️ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
💧 Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
🤱 Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
⚠️ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
😴 Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby


Congratulations sa ating mga Fully Immunized Child (FIC)- Graduates sa ating mga Health Stations. Ang Fully Immunized Ch...
29/08/2025

Congratulations sa ating mga Fully Immunized Child (FIC)- Graduates sa ating mga Health Stations.

Ang Fully Immunized Child ay ang mga batang nakatapos ng kanilang mga bakuna bago mag 1 taong gulang.

- BCG
- Hepatitis B
- MMR
- DPT
- Polio Vaccine

Ang mga bakuna ay LIGTAS at EPEKTIBO. Patuloy po nating suportahan ang mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan.



(Mga larawan ay may pahintulot ng mga magulang)

29/08/2025

Ang Philippine Dermatological Society Central Luzon Chapter kasama ang San Marcelino District Hospital, Philippine Medical Association, Olongapo City Medical Society ay magkakaroon ng “libreng derma consultation, operation at libreng gamutan sa balat” nitong darating na Setyembre 27 mula 8:00am hanggang 12:00nn sa aming pasilidad.

Inaanyayahan na magpakonsulta ang mga may bukol sa balat sa aming OPD hanggang September 18, 2025 para sa screening.

Magtungo sa triage area para sa assistance.
Salamat po

---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Purok Kalusugan sa Sitio Gala, Aningway Sacatihan. Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, Provincial DOH Of...
27/08/2025

Purok Kalusugan sa Sitio Gala, Aningway Sacatihan.

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, Provincial DOH Office, Integrated Provincial Health Office-Zambales at pamunuan ng Barangay Aningway Sacatihan sa pangunguna ni Kap Eddie De Guzman, nagsagawa po tayo ng Medical-Dental Mission at iba pang nga programang pangkalusugan.

Maraming Salamat po sa mga ka-barangay nating nakilahok.

Kickoff ng Purok Kalusugan at Celebration ng World TB Day sa Barangay Batiawan. Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jo...
19/08/2025

Kickoff ng Purok Kalusugan at Celebration ng World TB Day sa Barangay Batiawan.

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, at ng DOH Zambales katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamalahaan.

Mga Ahensya ng pamahalaang nakilahok
- LGU Subic
- Provincial DOH Office at DOH TB Platform
- Brgy. Batiawan sa pangunguna ni PB. Jose Lawag
- Integrated Provincial Health Office-Zambales
- DSWD
- Philhealth
- PBSP
- Phil. Army

Nagsagawa po tayo ng
- Medical at Dental Mission
- Flu Vaccination
- Family Planning
- Nutrtion Feeding and Counseling
- Free Chest Xray at Sputum Test
- Philhealth Registration
- DSWD Registration and Consultation

Ang Purok kalusugan ay programa ng Department of Health (Philippines) at ng ating Lokal na Pamhalaan, na pag buklod buklodin ang mga programang makakatulong sa mga kababayan nating nasa malayong lugar.

Sa Pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun katuwang ang Provincial DOH Office sa pangunguna ni Ms. Jocelyn Pascu...
13/08/2025

Sa Pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun katuwang ang Provincial DOH Office sa pangunguna ni Ms. Jocelyn Pascua, nagsasagawa po tayo ng Physical Therapy and Rehabilitation sa ating RHU.

Ang ating PT ay, by schedule. Sa mga kababayan nating nangangaylangan maaaring magpalista sa ating mga Nurses o Midwives sa ating Barangay o pwede ding dumiretso sa ating RHU.

Address

National Highway, Manganvaca
Subic
2209

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office- Subic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office- Subic:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram