26/09/2025
PROTIPS - Sept 26, 2025
Facing the Storms of Life
By Maloi Malibiran
Hindi lamang literal na bagyo ang dinaranas natin sa ating buhay at trabaho. Minsan kahit sikat na sikat ang araw sa labas, binabagyo naman tayo ng problema sa opisina o negosyo natin. Sa ganitong uri ng bagyo at problema ay handa ba tayo?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ano nga ba ang magandang tugon kapag may bagyo o problemang dumarating sa trabaho natin?
1) Be prepared for it. Magandang preparasyon sa pagharap sa problema ay ang pagtanggap na bahagi ito ng buhay at trabaho natin. Kahit gaano ka pang kahusay magplano, kahit gaano ka ba kagaling sa iyong trabaho, dahil hindi mo nga kontrolado ang lahat ng bagay, expect that problems and some glitches might arise. It is always good to be prepared with a plan B.
2) Learn from it. Oo, mahirap dumaan sa mabigat na problema. Hindi ito madali, at hindi ito masaya. Pero bawat problema ay may dalang oportunidad para tayo ay matuto at maging mas matatag. Learn as much as you can from the challenges that you are going through. Ang sabi ng manunulat na si Viviane Greene, “Life isn't about waiting for the storm to pass...It's about learning to dance in the rain.” Marami kang matututunan mula sa mga problemang iyong pagdaraanan.
3) Let problems bring you closer to God. Maraming tao kapag dumaraan sa pagsubok nagtatampo at lumalayo sa Diyos. Baligtad. Kapag may problema tayo, trabaho man iyan o negosyo, the best response is to draw near to God. The more you try to solve your problems on your own, the more you'll realize that you can't untangle the mess that you are in. Tandaan mo, God is so powerful, He can command winds, waves and storms to be still. Kaya din Niyang payapaan ang problema at bagyo sa buhay mo ngayon.
When life's storms come your way be prepared for it. Learn from it. And draw near to God.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY