Nim SPA Body Massage

Nim SPA Body Massage 10:00am to 10:00pm. we are open monday to saturday 9am to 10pm

πŸ‘‰Adductor: tahimik pero malakas magpasakit.πŸ‘‰Ano ang adductor?A group of muscles sa inner thigh (singit area)na responsib...
01/05/2026

πŸ‘‰Adductor: tahimik pero malakas magpasakit.

πŸ‘‰Ano ang adductor?
A group of muscles sa inner thigh (singit area)na responsible sa:
- pagdikit ng legs (adduction)
- stability sa balakang at tuhod
- control sa galaw habang naglalakad,tumatakbo o nag squat

πŸ‘‰Ano ang nangyayari pag tight o injured?
- masakit sa singit
- hirap maglakad o mag side movement
- pwede sumakit ang tuhod o lower back
- mandalas napagkakamalang "pulled muscles" lang.

πŸ‘‰Common causes:
- biglang galaw
- over use
- mahinang glutes at core
- kulang sa stretching

πŸ‘‰Ano ang dapat gawin?
- Iowa's muna sa biglang galaw
- light stretch ng inner thigh
- therapy/ release ng adductor
- strengthening (glutes at core)
- gradual balik sa activity

πŸ‘‰Hindi lahat ng sakit sa tuhod o balakang doon mismo ang problema.
Minsan sa inner thigh nagsisimula.❣️

Gaano kahalaga ang paggamit ng body weight sa Massage ?Sobrang importante ng body weight sa Massage lalo na kung gusto m...
27/04/2026

Gaano kahalaga ang paggamit ng body weight sa Massage ?

Sobrang importante ng body weight sa Massage lalo na kung gusto mong maging effective at tumagal bilang therapist.
Maraming therapist ang umaasa sa lakas ng kamay,Pero ang totoo hindi lakas ang pinakaimportante kundi tamang paggamit ng katawan.
1-Mas malalim ang pressure (hindi pilit),kapag body weight ang gamit mo.Mas natural,Mas kontrolado ang galaw,hindi kaagad napapagod.
Hindi mo kailangan pilitin ang kamay mo para lang lumalim ang pressure.Ang katawan mismo ang gagawa ng trabaho.

2-Iwas injury sa therapist.
Kung puro kamay lang
-sumasakit ang pulso
-napapagod ang balikat at
-naiestress ang lower back.
Pero kung body weight ang gamit,
-less strain sa joints
-mas safe sa long term
-mas tatagal ka sa industriya

3-Mas professional ang galaw
Kapag tama ang body mechanics
-smooth ang flow, hindi putol putol ang pressure
-mas confident tingnan,hindi mukhang pilit ang galaw
-mukhang trained atay system.

4-Mas effective sa client
Kapag tama ang paggamit ng body weight,
-mas nakakapasok sa deep muscle
-mas mabilis marelease ang tension
-mas ramdam ng client ang difference.

Mindset ng tamang therapist
Hindi goal maging malakas
Ang goal ay maging efficient

25/04/2026

πŒπ†π€ π’πˆπ†π 𝐍𝐀 π…πˆπ‘π’π“ π“πˆπŒπ„ 𝐀𝐍𝐆 π‚π‹πˆπ„ππ“ 𝐒𝐀 πŒπ€π’π’π€π†π„

Hindi lahat ng client marunong agad mag-relax sa unang session. Bilang therapist, mahalagang marunong kang magbasa ng body language at behavior nila.

Narito ang mga common signs:

β€’ Tense o matigas ang muscles kahit hindi pa malakas ang pressure
β€’ Mababaw ang paghinga, hirap mag-relax
β€’ Nahihiyang magsabi kung masakit o kulang ang pressure
β€’ Napapangiwi kahit light touch pa lang
β€’ Hindi alam kung paano ipwesto ang katawan o kamay

Ang mga ganitong senyales ay normal lalo na sa first-time clients.

Bilang isang therapist, hindi lang teknik ang mahalaga…

πŸ‘‰ π‘²π’–π’π’…π’Š π’‚π’π’ˆ π’Œπ’‚π’Œπ’‚π’šπ’‚π’‰π’‚π’ π’Žπ’π’π’ˆ π’Žπ’‚π’ˆπ’ƒπ’Šπ’ˆπ’‚π’š π’π’ˆ π’„π’π’Žπ’‡π’π’“π’•, π’•π’Šπ’˜π’‚π’π’‚, 𝒂𝒕 π’•π’‚π’Žπ’‚π’π’ˆ π’ˆπ’–π’Šπ’…π’‚π’π’„π’† 𝒔𝒂 π’ƒπ’‚π’˜π’‚π’• π’ˆπ’‚π’π’‚π’˜.

Kapag naging maayos ang first experience nila,
mas malaki ang chance na bumalik sila at magtiwala sa’yo.

Guide mo sila. I-comfort mo sila. I-educate mo sila.

πŸ’¬90% ng first-time clients ganito ang reaction…
Ikaw, naka-relate ka ba?

19/04/2026

πŸ“Œ β€œNAPAKA SWERTE NG MGA THERAPIST… PERO HINDI LAHAT NAKAKAKITA NITO”

Sa totoo lang…
isa sa pinaka undervalued na trabaho ang pagiging therapist.

Pero kung titignan mo ng mas malalimβ€”
napaka swerte ng mga therapist.

Bakit?

Kasi kahit saan ka dalhin ng buhay…
dala mo ang kakayahan mo.

πŸ‘‰ Walang internet?
πŸ‘‰ Walang cellphone?
πŸ‘‰ Walang laptop?

Kaya mo pa rin kumita.

Hindi ka dependent sa gadgets…
hindi ka dependent sa system…
hindi ka dependent sa technology…

Ikaw mismo ang puhunan.

πŸ“Œ Ang tunay na asset ng therapist:

βœ”οΈ Kamay
βœ”οΈ Kaalaman
βœ”οΈ Experience
βœ”οΈ Pakiramdam sa katawan ng tao

Hindi ito basta natutunan sa isang araw.
Pinaghirapan ito… pinagpraktisan… pinaghusayan.

πŸ“Œ Kahit saan ka pumunta:

πŸ‘‰ Probinsya
πŸ‘‰ City
πŸ‘‰ Abroad
πŸ‘‰ Home service

May tao na may sakit ng katawan.
At habang may may sakit…
may therapist na kailangan.

πŸ“Œ Pero eto ang realidad…

Hindi lahat ng therapist umaasenso.

Hindi dahil kulang sila sa skillβ€”
kundi dahil:

❌ Walang sistema
❌ Walang diskarte
❌ Walang client education
❌ Umaasa lang sa walk-in

πŸ“Œ Real talk:

Hindi sapat na marunong ka mag massage.

πŸ‘‰ Kailangan marunong ka mag explain
πŸ‘‰ Kailangan marunong ka mag assess
πŸ‘‰ Kailangan marunong ka mag guide sa client

Kasi ang goal hindi lang relief…
kundi long-term na solusyon.

πŸ“Œ Tandaan mo β€˜to:

β€œAng therapist na may skill… kikita.
Pero ang therapist na may sistema… aangat.”

πŸ“Œ Mensahe sa mga therapist:

Huwag mong maliitin ang trabaho mo.
Hindi ka lang β€œtagahilot”…

πŸ‘‰ Ikaw ang tumutulong sa taong hindi makagalaw
πŸ‘‰ Ikaw ang nagpapagaan ng pakiramdam
πŸ‘‰ Ikaw ang nagbibigay ng quality of life

πŸ“Œ Final thought:

Sa mundo na puro technology…
ikaw ang isa sa kakaunti na kamay ang puhunan.

At habang may taong pagod…
stress…
at may sakit sa katawan…

hinding hindi mawawala ang halaga mo.πŸ’ͺβ™₯οΈπŸ™πŸ‘

With Md Nasir – I'm on a streak! I've been a top fan for 4 months in a row. πŸŽ‰
13/04/2026

With Md Nasir – I'm on a streak! I've been a top fan for 4 months in a row. πŸŽ‰

13/04/2026

πŸ”₯ BAKIT MAY MGA THERAPIST NA HINDI UMAASENSO?

πŸ‘‰ Hindi dahil kulang sa skill…
πŸ‘‰ Kadalasan dahil walang sistema.

πŸ“Œ Maraming therapist ang:
βœ” Magaling sa kamay
βœ” Marunong sa technique
βœ” May experience

πŸ‘‰ Pero… hanggang dun lang.

πŸ’‘ PROBLEMA:
βœ” Walang malinaw na proseso bawat session
βœ” Walang assessment bago magsimula
βœ” Walang client education pagkatapos

πŸ‘‰ Kaya ang nangyayari:
Paulit-ulit ang client…
pero walang tunay na improvement.

πŸ’‘ REALIDAD:
πŸ‘‰ Hindi sapat na marunong ka lang mag masahe
πŸ‘‰ Kailangan marunong ka din mag-isip bilang therapist

βœ” Ano ang root cause?
βœ” Ano ang next step?
βœ” Ano ang long-term solution?

πŸ’‘ DAPAT MERON KA:
βœ” System (flow ng treatment)
βœ” Assessment + reassessment
βœ” Education (aftercare + exercises)
βœ” Goal bawat session

πŸ’¬ REAL TALK:
πŸ‘‰ β€œKung kamay lang ang gamit mo… limitado ang resulta mo.”

πŸ‘‰ β€œHindi sapat ang magaling… dapat may sistema ka.”

23/03/2026

πŸ’₯ QUALITY vs QUANTITY

(Para sa mga therapist na pagod pero kulang pa rin ang kita)

βš–οΈ QUANTITY (paramihan ng client)
β€’ 6–10 clients per day
β€’ mabilisang galaw
β€’ halos walang assessment

πŸ‘‰ Resulta:
❌ pagod ka
❌ average lang ang service
❌ mabilis ka mapundi

🎯 QUALITY (maayos na serbisyo)
β€’ 3–5 clients per day
β€’ may assessment
β€’ may tamang pressure at technique

πŸ‘‰ Resulta:
βœ” mas satisfied si client
βœ” babalik at babalik
βœ” mas mataas ang value mo

🧠 REALITY CHECK

πŸ‘‰ Hindi ka machine
πŸ‘‰ Hindi porket marami… magaling na
πŸ‘‰ Hindi dami ng client ang sukatan ng galing

πŸ’₯ Consistency ng result ang tunay na laban

πŸ”₯ PROBLEM NG QUANTITY MODE
β€’ minamadali ang katawan ng client
β€’ walang root cause fixing
β€’ puro β€œhilot lang” tingin sayo

πŸ‘‰ Ending:
❌ walang loyalty
❌ hindi ka mare-refer
❌ low value ka sa paningin nila

πŸš€ ADVANTAGE NG QUALITY MODE
β€’ nagiging β€œgo-to therapist” ka
β€’ nagkakaroon ka ng authority
β€’ pwede ka magtaas ng presyo

πŸ‘‰ Kasi:
Resulta ang binabayaran, hindi oras

πŸ’‘ REAL TALK

Mas okay ang 4 na client na satisfied…
kesa 10 na hilot lang ang nakuha.

β€’ β€œHindi ka pagod kasi marami kang client… pagod ka kasi minamadali mo sila.”
β€’ β€œKung paramihan lang… edi sana machine nalang ang therapist.”
β€’ β€œHindi ka binabayaran para matapos… binabayaran ka para magalingan.”

16/03/2026

Bakit may Bukol na Nakakapa Kapag Nagmamasahe?

Minsan habang nagmamasahe, may nakakapa tayong bukol o buo-buong laman sa muscle, pero sinasabi ng client na hindi naman masakit.

Ano kaya ito?

Posibleng Dahilan

1️⃣ Muscle Knot (Trigger Point)
Kapag ang muscle ay matagal na tight o overworked, nagkakaroon ng buhol-buhol na muscle fibers.
Ito ang madalas na dahilan kung bakit may nakakapa tayong parang bukol sa muscle.

2️⃣ Fascia Tightness
Ang fascia ay connective tissue na bumabalot sa muscles.
Kapag ito ay naging tight o nagdikit-dikit, maaari itong maramdaman na parang may buo o bukol sa ilalim ng balat.

3️⃣ Fatty Tissue (Lipoma)
May mga pagkakataon na ang bukol ay fatty tissue lamang.
Kadalasan ito ay:
β€’ malambot
β€’ gumagalaw kapag pinindot
β€’ hindi masakit

4️⃣ Muscle Adhesion
Kapag ang muscle layers ay nagdidikit dahil sa chronic tension, maaari rin itong makapa bilang parang bukol.

Kailan Hindi Dapat Balewalain?

Mas mabuting ipacheck sa doktor kung ang bukol ay:

⚠️ mabilis lumalaki
⚠️ sobrang tigas
⚠️ may kasamang matinding sakit
⚠️ may pamumula o pamamaga

Important Reminder

Hindi lahat ng bukol sa muscle ay delikado.
Sa maraming kaso, muscle tension, trigger points, o fascia tightness lamang ito.

Sa tamang massage, stretching, at movement, kadalasan ay lumalambot din ang tissue.

With Md Nasir – I'm on a streak! I've been a top fan for 3 months in a row. πŸŽ‰
13/03/2026

With Md Nasir – I'm on a streak! I've been a top fan for 3 months in a row. πŸŽ‰

13/03/2026

Bakit sumasakit ang binti kinabukasan pagkatapos ng massage?

Minsan may mga client na nagsasabi:

β€œHindi naman hard massage pero kinabukasan parang masakit yung mga ugat sa binti at hirap tumapak.”

Sa maraming kaso, hindi ito ugat ang problema kundi muscle reaction ng katawan.

1️⃣ Muscle soreness (parang after workout)

Kapag may tight muscles o trigger points sa binti tulad ng:

β€’ Gastrocnemius (calf)
β€’ Soleus
β€’ Hamstrings

Kapag na-release sila sa massage, pwedeng magkaroon ng temporary soreness kinabukasan.

Ito ay parang after exercise soreness.

2️⃣ Fascia release reaction

Kapag na-release ang fascia (connective tissue) sa legs:

Possible maramdaman:
β€’ paninigas
β€’ parang may hinila sa binti
β€’ discomfort sa paglakad

Normal ito sa ilang tao lalo na kung matagal nang may tension sa muscles.

3️⃣ Na-activate ang trigger points

Kapag natamaan ang trigger points sa calf muscles, pwede itong mag cause ng:

β€’ hirap tumapak
β€’ tight feeling
β€’ parang may sumasakit sa loob ng muscle

Pero kadalasan temporary lamang ito.

Ano ang pwede gawin?

βœ” Light stretching
βœ” Warm compress
βœ” Uminom ng maraming tubig
βœ” Magpahinga muna sa heavy activity

Karaniwan nawawala ito sa loob ng 24–48 hours.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Kung may:

⚠️ matinding pamamaga
⚠️ pamumula
⚠️ sobrang sakit na hindi nawawala

Mas mabuting magpa-check sa doctor para makasigurado.

πŸ“Œ Reminder:
Hindi lahat ng nararamdaman pagkatapos ng massage ay masama.
Minsan ito ay bahagi ng recovery process ng muscles.

27/11/2025

Address

Armada Building, Surallah/T'boli Road, Zone 1, Barangay Libertad Surallah South Cotabato
Surallah
9512

Opening Hours

Monday 9am - 10pm
Tuesday 9am - 10pm
Wednesday 9am - 10pm
Thursday 9am - 10pm
Friday 9am - 10pm
Saturday 9am - 10pm

Telephone

09755460544

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nim SPA Body Massage posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Nim SPA Body Massage:

Share