22/02/2025
Momshies. Alam mo ba na may benepisyo kang makukuha kapag ikaw ay buntis at isang PhilHealth member?
Sa ilalim ng Maternity Care Package ng PhilHealth, ang mga buntis na ina ay may karapatan sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa panahon ng
✅antenatal period,
✅panganganak,
✅ normal na panganganak at
✅agarang post-partum period.
Ang package ay nakatakda sa P6,500 at P8,000 kung ma-avail sa mga accredited na ospital, at sa mga infirmaries/dispensaryo at birthing homes/maternity clinic.
Sa pamamagitan ng dagdag benepisyo sa mga ina at kababaihan, masisigurado natin ang kaligtasan at kalusugan ng mga ina at ng kanyang sanggol sa buong pagbubuntis. Bisitahin ang 📍Bulanao Maternity Clinic and Lying Inn para sa karagdagang impormasyon at para maka-avail na rin ng benepisyong ito.
See you!