01/03/2026
๐พ Rabies Awareness Reminder ๐พ
Hindi porket walang dugo ang sugat ay ligtas ka na sa rabies. Kahit gasgas, maliit na hiwa, kagat na halos hindi pansin, o laway na dumikit sa sugat o balat na may sugat ay maaaring magdulot ng rabies exposure.
โ ๏ธ Tandaan: Ang rabies ay nakamamatay kapag hindi naagapan, ngunit ito ay 100% naiiwasan kung maagapan.
Huwag mag-self assess. Mas mabuti na ang sigurado kaysa magsisi sa huli.
Kapag nakagat o nakalmot ng hayop:
1๏ธโฃ Hugasan agad ang sugat
- Sabunin at banlawan ng dumadaloy na tubig sa loob ng 15 minuto
- Nakakatulong ito para mabawasan ang virus sa sugat
2๏ธโฃ Magpacheck-up agad
- Pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Center o Ospital
- Malalaman kung kailangan ng anti-rabies vaccine at iba pang gamot
3๏ธโฃ Kompletuhin ang bakuna
- Sundin ang schedule ng bakuna (Day 0, 3, 7, at 28)
- Huwag ihinto kahit magaling na ang sugat
Protektahan ang sarili at pamilya laban sa rabies.
Ang maagap na aksyon ay nakapagliligtas ng buhay.
๐ Visit us at : Villa De San Juanico Subdivision, Tacloban City, Leyte
In Case of Emergency:
๐ 09624524816 / 09632409462
Clinic Hours
๐๏ธ MONDAY - SATURDAY
๐ฐ๏ธ 8:00 AM - 5:00 PM
๐ Find us on Google Maps : https://maps.app.goo.gl/RVW5LoBB1v3DmQmr9?g_st=com.google.maps.preview.copy