EVMC - Public Health Unit

EVMC - Public Health Unit This page is all about Eastern Visayas Medical Center (EVMC) services and activities on Health Education & Promotion.

This page also provides updates on various DOH Health Programs, health advocacies and advisories.

24/07/2025
22/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




22/07/2025

🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ng‭ NCR,‬‭ I,‬‭ II,‬‭ III,‬‭ CALABARZON,‬‭ MIMAROPA,‬‭ V,‬‭ VI,‬‭ VII,‬‭ VIII,‬ IX,‬‭ X,‬‭ XI,‬‭ XII,‬‭ Caraga‬‭ at‬‭ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



18/07/2025

Toxic ang relationship sa yosi, mag-eend lang ‘yan sa heartbreak. ‘Yung simpleng bisyo, dala pala ay bara sa puso.

Ang paghithit ng yosi ay may ka-kabit na sakit—si Ate Rose, a.k.a. Atherosclerosis 😨

10 Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa paninigarilyo. Ayon sa Global Burden of Disease Study noong 2021, umabot sa 88,169 ang namatay dahil sa to***co sa Pilipinas.

‘Wag magyosi, ‘wag mag-vape! End that toxic relationship. Tag mo ‘yung tropa mong handa nang mag-let go. Tumawag sa DOH Quitline 1558.





18/07/2025

🤱 Pagpapasuso kay Baby?
Check your breastmilk, Mommy! ✅

Para masigurong sapat at tuloy-tuloy ang daloy ng breastmilk, tandaan ang mga ito:
✔️ Tamang paghakab
✔️ Regular na pagpapasuso
✔️ Masustansiyang pagkain
✔️ Sapat na tulog at ehersisyo
✔️ Uminom ng maraming tubig
❌ Iwasan ang alak at sigarilyo
💡 Eksklusibong pagpapasuso lamang kay baby hanggang siya ay mag-6 na buwan!


18/07/2025

Alam mo ba? 🤔

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation 👀
A – Assess the victim 🧑‍⚕️
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. 📲
I – Initiate Compression💓
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚡

We invite everyone to watch the live broadcast of EVMC Cares on Facebook on Thursday, July 17, 2025, from 4:00 to 5:00 p...
17/07/2025

We invite everyone to watch the live broadcast of EVMC Cares on Facebook on Thursday, July 17, 2025, from 4:00 to 5:00 p.m. at PRTV Tacloban.

TOPIC: The Vital Role of Exercise: Why Movement Matters for Health
GUEST: Dr. Rommel Marcos Eduardo A. Bugho
Medical Specialist III
HOSTS: Armi Marie Lagado
Francis Kenneth Fabula



14/07/2025
11/07/2025

❗️FILARIASIS — ISA PANG SAKIT NA DALA NG LAMOK NGAYONG TAG-ULAN ❗️

💡 Bukod sa Aedes aegypti na nagdadala ng dengue, mabilis ding dumadami sa panahon ng tag-ulan ang mga lamok gaya ng Aedes spp., Anopheles spp., at Mansonia spp. na nagdadala ng Filariasis.

Ang lymphatic filariasis ay sakit na dulot ng mga microscopic na bulate na naipapasa mula sa kagat ng lamok. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng kapansanan dahil sa permanenteng pamamaga ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mga paraan para maiwasan ang Filariasis:

✅Gawin ang taob, taktak, tuyo, takip sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok;

✅Magsuot ng pantalon at damit na may long sleeves; at

✅Gumamit ng mosquito repellent pag lalabas, at ng kulambo sa pagtulog

📍 Sa tulong ng mass drug administration, nakakamit ng mga probinsya ang Filariasis-free status.




10/07/2025
We invite everyone to watch the live broadcast of EVMC Cares on Facebook on Thursday, July 10, 2025, from 4:00 to 5:00 p...
10/07/2025

We invite everyone to watch the live broadcast of EVMC Cares on Facebook on Thursday, July 10, 2025, from 4:00 to 5:00 p.m. at PRTV Tacloban.

TOPIC: EVMC UPDATES

GUEST: Dr. Joseph Michael A. Jaro
Medical Center Chief II
Eastern Visayas Medical Center

HOSTS: Armi Marie Lagado
Francis Kenneth Fabula


Address

Tacloban City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EVMC - Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to EVMC - Public Health Unit:

Share