14/06/2023
Paalala unang una sa aking sarili at sa lahat ng kapwa ko seller ng modest clothings. May Allah keep us steadfast to our deen. 🤲
Payo sa mga online seller partikular sa mga muslimat!
Mas makakabuti sa inyo sisters na ang gawin ninyong model sa inyong paninda na abaya/hijab/niqab ay mannequin gaya ng inyong nakikita sa larawan kaysa sa inyong mga sarili mismo.
Upang hindi maihayag at mailantad ang inyong kagandahan dito sa socmed na tanging mahram nyo lamang ang dapat makakita nito.
وَقُل لِّلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَغۡضُضۡنَ مِنۡ أَبۡصَٰرِهِنَّ وَيَحۡفَظۡنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبۡدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنۡهَاۖ وَلۡيَضۡرِبۡنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّۖ وَلَا يُبۡدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوۡ ءَابَآئِهِنَّ أَوۡ ءَابَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوۡ أَبۡنَآئِهِنَّ أَوۡ أَبۡنَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوۡ إِخۡوَٰنِهِنَّ أَوۡ بَنِيٓ إِخۡوَٰنِهِنَّ أَوۡ بَنِيٓ أَخَوَٰتِهِنَّ أَوۡ نِسَآئِهِنَّ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُنَّ أَوِ ٱلتَّٰبِعِينَ غَيۡرِ أُوْلِي ٱلۡإِرۡبَةِ مِنَ ٱلرِّجَالِ أَوِ ٱلطِّفۡلِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يَظۡهَرُواْ عَلَىٰ عَوۡرَٰتِ ٱلنِّسَآءِۖ وَلَا يَضۡرِبۡنَ بِأَرۡجُلِهِنَّ لِيُعۡلَمَ مَا يُخۡفِينَ مِن زِينَتِهِنَّۚ وَتُوبُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
31. At sabihin mo rin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba nila ang kanilang mga paningin sa anumang hindi ipinahintulot sa kanila na mga pribadong bahagi ng katawan, at pangalagaan nila ang kanilang mga pribadong bahagi mula sa anumang mga ipinagbawal ng Allâh, at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan, kundi pagsumikapan nila na ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na kasuotan, kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang fitnah (o panghahalina na makagawa ng kasamaan), at ibababa nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpan ang kanilang mga dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha; upang mabuo ang kanilang panakip, at huwag nilang ilantad ang anumang kagandahan na nakatago maliban lamang sa kanilang mga asawa na mga kalalakihan; dahil maaari nilang makita mula sa kanilang mga asawa ang hindi maaaring makita ng iba.
At kabilang dito ay ang mukha, leeg, dalawang kamay, dalawang braso at ito ay ipinahintulot na makita rin ng kanilang mga ama o hindi kaya ay ama ng kanilang mga asawa o hindi kaya ay kanilang anak na mga kalalakihan, o hindi kaya ay anak na mga kalalakihan ng kanilang mga asawa, o hindi kaya ay kanilang mga kapatid na mga kalalakihan, o hindi kaya ay mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na kalalakihan, o hindi kaya ay mga anak na kalalakihan ng kanilang mga kapatid na mga kababaihan, o hindi kaya ay kanilang mga alipin na kababaihan, o hindi kaya ay mga kapatid na kababaihan sa pananampalataya, o hindi kaya ay ang anumang pagmamay-ari nila na mga alipin na mga kalalakihan, o hindi kaya ay mga matatanda na kalalakihan na wala nang pagnanasa sa mga kababaihan na katulad ng ulyanin na sunud-sunuran na lamang sa iba para makakain o makainom, o hindi kaya ay mga bata na kalalakihan na wala silang kamuwang-muwang sa mga pribadong bahagi ng mga kababaihan, at wala pa silang pagnanasa.
At huwag itapak nang malakas ng mga kababaihan ang kanilang mga paa habang sila ay naglalakad upang marinig ang anumang palamuti sa paa na tulad ng singkil (nakasabit na mga palamuti sa paa) at iba pa, at magbalik kayo, O kayong mga naniniwala tungo sa pagsunod sa Allâh sa anuman na Kanyang ipinag-uutos mula sa mga ganitong magagandang pag-uugali at mabubuting asal, at iwasan na ninyo ang anumang pag-uugali ng kamangmangan na mga masasamang pag-uugali; upang kayo ay magtagumpay ng kabutihan dito sa daigdig at ganoon din sa Kabilang-Buhay.
An-Noor | Qur'an 24:31
Photo From Aafiyyah Exclusive