
01/04/2024
Alert‼️‼️‼️‼️
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
Ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Tacurong na may mga kumakalat na balita tungkol sa tatlong indibidwal na nag-aalok ng libreng bakuna sa mga bata.
Bagama’t magkakaroon ng door-to-door Polio Vaccination sa susunod na mga araw, binibigyang diin ng Office of the City Health Services na maging alerto at maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid.
Hinihikayat ang lahat na maging mausisa at siguraduhing sila ay konektado sa anumang sangay ng gobyerno o tanggapang pangkalusugan, bago tanggapin ang mga naturang serbisyo.
Pinapayuhan din ang lahat na ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang mga kahina-hinalang kilos ng mga tao sa paligid.
Narito ang link ng mga numero ng mga awtoridad https://bit.ly/3xpAm0U
MAGING ALERTO. MAGING MAPAGMASID. MAGING LIGTAS. Isang paalala mula sa City Government of Tacurong sa pangunguna ni City Joseph George Lechonsito