24/10/2025
Ang mga baby teeth ay higit pa sa pagkakaroon ng isang cute smile. Mahalaga ang mga ito sa tamang paglaki at overall development ng bata. Ang malusog na ngipin ay tumutulong sa maayos na pag-nguya at tamang nutrisyon, na kailangan para sa lumalaking katawan ng bata.
Ginagabayan din ng mga baby teeth ang paglabas ng mga permanent teeth sa tamang posisyon, kaya nakakatulong ito maiwasan ang sungki o siksik na ngipin. 🦷 Ang maagang pag-aalaga sa baby teeth ay pundasyon ng matibay at malusog na ngiti hanggang pagtanda.