
30/07/2025
Muli po ay matagumpay na nakapamahagi ng Libreng Mobile Chest Xray ang Tagaytay City Health Office para po sa mga mamamayan ng Tagaytay. Ito po ay naganap sa ating Bagong Super Health Center, Sungay West, Tagaytay City ngayong July 29, 2025.
Maraming Salamat po sa Philippine Business for Social Progress ACCESS TB Project at Culion Foundation, Inc. , sa walang sawang pag suporta at sa inyong todong serbisyo.
Bukod po sa xray ay namahagi din po tayo ng libreng gamot handog ng Non-Com Tagaytay
Maraming Salamat po sa lahat ng tumulong sa pag organisa ng atin pong programa at sa lahat po ng nakiisa. Sama sama po nating tuldukan ang TB!