30/07/2025
🚨 CALLING ALL HEROES! 🚨
🩸 Magdonate ng Dugo, Magbigay ng Buhay! 🩸
🌟 Kasama ang Cavite Blood Council, Provincial Health Office at OSPITAL NG TAGAYTAY sa buong suporta ng ating Pamahalaan ng Lunsod ng Tagaytay sa pangunguna ng ating butihing Punong Lunsod MAYOR BRENT D. TOLENTINO, malugod po namin kayong inaanyayahan upang magbigay pag-asa at buhay sa mga nangangailangan! Tara na at mag-save ng buhay 🌟
Sa isang maliit na hakbang mo, malaki ang maitutulong mo sa mga pasyente na nangangailangan ng agarang tulong. 🫶 Kung ikaw ay first-time donor o regular na, bawat patak ng dugo mo ay may malaking kahulugan! Dahil sa iyong kabutihan, matutulungan ang mga pasyente sa oras ng kanilang pangangailangan. 💖
✨ Bakit Magdonate ng Dugo?
🏥 Tumutulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng emergency transfusion
💪 Nagbibigay suporta sa mga may major surgeries or treatments
🩸 Nagiging lifeline sa mga may chronically conditions
❤️ Isang simpleng aksyon na makakapagbigay pag-asa at buhay sa iba
💬 Wala kang dapat ipag-alala kahit first time mo! Ang mga doktor at nurse natin ay nandiyan para gabayan ka at tiyakin ang iyong kaligtasan at kaginhawaan sa buong proseso. At ang pakiramdam ng makakatulong ka sa ibang tao? Walang kasing saya! 🙌
🎉 Ano ang Maaaring Asahan sa Araw ng Blood Donation?
✅ Madaling Registration – Walk-in donors are welcome!
✅ Mabilis na Health Check – Sisiguraduhing ikaw ay fit to donate.
✅ Safe at Quick Blood Donation
Tara na’t mag-donate ng dugo — isang simpleng paraan para makapagligtas ng buhay! ❤️🩸
👨👩👧👦 Sama na ang pamilya at mga kaibigan! Mag-donate tayo nang sabay-sabay, dahil mas marami tayong magagawa kapag sama-sama! 💪💖
📅 I-mark ang iyong calendar:
🗓 July 30, 2025
⏰ 8:00 AM - 3:00 PM
🏥 Ospital ng Tagaytay City, 3rd Floor Conference Room
Maging isang bayani sa simpleng paraan. Isang patak ng dugo, isang buhay na matutulungan. Huwag palampasin ang pagkakataon na ito!
Mag-donate ng Dugo, Magbigay ng Buhay! ❤️