22/01/2026
“Bakit kahit may HMO/Health Card ka, may binabayaran ka pa rin out of pocket?”
Hindi ito dahil kulang ang HMO—madalas, dahil hindi PhilHealth member ang patient.
Ganito kasi ang proseso ng hospital billing sa Pilipinas:
👉 Una munang binabawas ang PhilHealth portion sa total hospital bill
👉 Pangalawa ang HMO/Health Card
👉 Kung may matirang hindi covered, si patient ang magbabayad
Kapag hindi PhilHealth member ang patient, yung amount na dapat sana ay sagot ni PhilHealth, napupunta sa pasyente bilang out-of-pocket expense—kahit may HMO ka pa.
Kaya minsan nagugulat ang pasyente:
“May health card naman ako, bakit may binabayaran pa rin?”
📌 Hindi automatic na sagot ng HMO ang lahat.
May mga limitasyon sa coverage, at umaasa rin ang HMO na may PhilHealth deduction muna.
⸻
💡 Paalala at Practical Advice:
✔️ Siguraduhing active ang PhilHealth membership mo at ng mga dependents mo
✔️ Regular na magbayad ng PhilHealth contributions para iwas problema sa hospital
✔️ Huwag iasa lahat sa HMO—support lang ito, hindi full coverage
✔️ Alamin ang coverage at exclusions ng health card bago ma-admit
✔️ Kung may employer-provided HMO, tanungin ang HR kung paano gumagana ang PhilHealth + HMO billing
⸻
📣 Bottom line:
Mas magaan ang hospital bills kapag may PhilHealth + HMO.
Kapag kulang ang isa, mas malaki ang lalabas na bayad mula sa sariling bulsa.
Health is expensive—being informed saves money.