Dr. Jose Rizal

Dr. Jose Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dr. Jose Rizal, Doctor, Loboc, Tagbilaran City.

13/10/2025

Dr Jose Rizal: The hero killed for thinking

02/07/2022

LABAS MGA HONOR STUDENTS,ANO ANG HULING SINABI NI JOSE RIZAL NOONG BINARIL SYA?

14/01/2021

3

09/02/2020

Rizal's Famous Novels:

⚫Noli Me Tangere (touch Me Not)
-dedicated to the Motherland
-Published in Berlin,Germany in 1887.

⚫El Filibusterismo (Treason)
-dedicated to GOMBURZA
-Published in Ghent,Belgium in 1891.

⚫Makamisa—1891 unfinished

08/02/2020

Si Jose Protacio Rizal ay isa sa mga pinakamagiting na bayani sa ating bansa🌏💙

08/02/2020

Pasasaan pa ang kalayaan,kung ang mga alipin ngayon ay sila din namang mang-aalipin bukas.
❤-Jose Rizal-❤

08/02/2020

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda❤

08/02/2020

Narito ang buod ng talambuhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Si Pepe o "Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda" ay ipinanganak sa bayan ng Calamba noong ika 19 ng Hunyo taong 1861. Tatlong araw matapos ipanganak ay bininyagan si Pepe sa tulong ng paring si Rufino Collantes.

Si Pepe ay ikapito sa labing isang magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina (ayon sa pagkakasunod sunod ng kapanganakan)

1. Saturnina Rizal (1850-1913)
2. Paciano Rizal (1851-1930)
3. Narcisa Rizal (1852-1939)
4. Olympia Rizal (1855-1887)
5. Lucia Rizal (1857-1919)
6. Maria Rizal (1859-1945)
7. -- Pepe --
8. Concepcion Rizal (1862-1865)
9. Josefa Rizal (1865-1945)
10.Trinidad Rizal (1868-1951)
11. Soledad Rizal (1870-1929)

Sa lahat ng kapatid ni Rizal ay tanging si Concepcion o Co**ha ang hindi umabot ng wastong edad. Si Co**ha ay nagkasakit at namatay noong tatlong taong gulang pa lamang. Kaya't si Rizal ay lubhang nagdalamhati.

Noong tatlong taong gulang pa lamang ang batang si Pepe ay marunong na itong magbasa ng alpabetong Filipino sa tulong na rin ng kanyang ina.

Inupahan din ng kanyang ama ang isang tutor na nag ngangalang Leon Monroy upang si Rizal ay mahasa pa sa pagbasa at pagsulat.

Si Monroy ay kaklase din ng kanyang ama.

Sa loob ng limang buwan ay tinuruan din nito ang batang si Rizal ng salitang espanyol at latin. Bukod dito ay naging tutor din ni Rizal sina Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua.

Noong mga panahong ding iyon ay tinulungan din ng kanyang tiyo Manuel (Na pinsan ng kanyang ina) ang payat pa noong si Rizal upang maging malusog ang pangangatawan nito.

Taong 1869, sa edad na walo ay naisulat ni Rizal ang tulang "Sa Aking Mga Kabata". Sa taong ding ito unang nag aral si Rizal sa Biñan, Laguna sa pangangalaga ni Maestro Justiniano Aquino Cruz. Kasama ang nakatatandang kapatid na si Paciano ay nagtungo sila sa bahay ng g**o.

Ang eskwelahan ay sa mismong tahanan din ng Maestro na dati ring g**o ni Paciano.

Sa larangang akademiko ay n

08/02/2020

Pinag aralan ni Rizal

Si Rizal ay nakapag tapos ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 naman ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at Pilosopia noong taon ng 1885. Samantalang noong taong Disyembre 30, 1896 ay binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta na. siya ang itinuturing nating pambansang bayani

08/02/2020

Ang pagbibinyag kay Rizal

Bininyagan si Rizal sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22 sa edad na tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Colantes na isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay sina Padre Pedro Casanas, taga Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Nang binyagan siya ay pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ni Rizal at sinabi sa meyembro ng pamilya ni Rizal na ingatan ninyo ang batang iyan baling araw ay magiging dakila siya at nagkatotoo nga iyon.

08/02/2020

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Si Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag sa gabing maliwanag ang buwan, araw ng Miyerkules Hunyo 19,1861. Sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik ng mamatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Dahil sa Malaki ang kanyang ulo Gaya ng isinilaysay ni Rizal, Ako ay isinilang sa Calamba noong Hunyo 19,1861 sa pagitan ng ika-11 at hating gabi ilang araw bago ang kabilugan ng buwan miyerkules noon muntik ng mamatay ang aking ina mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo.

Address

Loboc
Tagbilaran City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Jose Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category