02/09/2021
https://m.facebook.com/earthshakerph/photos/4253479621372809
SARS-COV-2 (LABELED) VARIANTS🧬
Katulad ng ating mga "community quarantine", nagkakaroon rin ng mga "variant" ang SARS-CoV-2 (virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19). Kahapon nga ay kinumpirma na ng DOH ang unang kaso ng variant sa Pilipinas. Narito ang ilan pa sa mga pinangalanang "variant" ng WHO. Sa kasalukuyan ay may 13 letra pa sa "Greek Alphabet" na hindi nagagamit.
ANO ANG MGA "VARIANT"?
Katulad ng ibang mga "virus", ang "severe acute respiratory syndrome coronavirus 2" (SARS-CoV-2) na nagdudulot ng sakit na "coronavirus disease 2019" (COVID-19), ay patuloy na nagkakaroon ng natural na mga pagbabago o "mutation". Sa tuwing magbabago ito ng ilan sa mga parte o katangian nito, dito nagkakaroon ng mga "variant". Ang mga lumilitaw na "variant" ay posibleng magkaroon ng mga abilidad na mas maging nakahahawa, nakakadulot ng mas malalang mga epekto, o maibaba ang proteksyon ng bakuna. Ngunit, hindi naman lahat ng "variant" ay ganito.
• Sa ebolusyon ng SARS-CoV-2 , may mga variant ito na posibleng lumitaw at mawala, ngunit may mga pagkakataong may mga tumatagal at kumakalat pa (tulad ng Delta variant). Habang mas kumakalat ito sa komunidad, mas mataas ang tiyansang mag-evolve pa ito sa iba pang variants, kaya mahalaga talaga na mapigilan ang pagkalat nito sa mas lalong madaling panahon.
ANO ANG "VOI" at "VOC"?
Ang pagsulpot ng mga "variant" ng SARS-CoV-2 na nagdulot ng mas mataas na banta sa kalusugan noong huling bahagi ng 2020 ang nag-udyok sa WHO na magkaroon ng klasipikasyon ng mga variant upang mas magkaroon ng angkop na mga hakabangin ang mga bansa ukol rito.
• Variant of Interest (VOI) - Ang isang SARS-CoV-2 variant ay ituturing na "VOI" kung ito ay mga pagbabago sa katangian nito na tinatayang may epekto sa mga abilidad nito, tulad ng bilis ng na makahawa o paglala ng sakit, at nagdudulot ng "significant" na hawaan sa komunidad sa iba't ibang mga bansa (kadalasan ay nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga kaso).
• Variant of Concern (VOC) - Ang isang SARS-CoV-2 variant na unang itinuring na "VOI" ay iaangat sa "VOC" kung ito ay nagdudulot na rin ng mas mataas na tiyansa o bilis ng hawaan, mas ipinapakitang pagbabago sa mga simptomas, o nagdudulot ng pagbaba ng "effectivity" ng mga una nang inilunsad na mga aksyon ng mga bansa laban sa COVID-19 o iba pang mga kaugnay na proyekto (tulad ng bakuna).
May iba ring mga variant na hindi pa o hindi na itinuturing na "VOI" at at "VOC", dahil sa kinakailangan pa ng ibang mga pag-aaral. Importanteng tandaan na habang nagkakaroon ng ebolusyon ang virus at nagkakaroon ng mga bagong pag-aaral, maaaring magpalipat-lipat ng mga klasipikasyon ang mga nasabing variant.
BAKIT GALING SA "GREEK ALPHABET" ANG PANGALAN?
Nitong kalagitnaan ng 2021, napagdesisyunan ng WHO na ang mga itinuturing na "VOI" at "VOC" ay pangalanan gamit ang mga letra hango sa "Greek Alphabet" (hal. Alpha, Beta, Gamma) upang mas madaling ibalita at hindi na rin pag-ukulan ng diskriminasyon ang bansa kung saan ito unang nakita.
• Sa kasalukuyan, 11 na SARS-CoV-2 variants na ang nabigyan ng letrang pangalan - 4 ang VOC, 4 ang VOI, ang 3 naman ay hindi na itinuturing pang mga VOI o VOC. Anim (6) rito ang na-detect ng DOH sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
⚠️Tayong publiko ay malaki ang maitutulong upang hindi na mas lumala ang problema patungkol sa mga delikadong "variant" - sa pamamagitan ng pagsunod sa mga "health protocols" at pagpapabakuna. Ingat po tayong lahat!
MGA SANGGUNIAN:
[1] Centers for Disease Control and Prevention (2021). Delta Variant: What We Know About the Science. CDC. https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/variants/delta-variant.html
[2] Centers for Disease Control and Prevention (2021). What You Need to Know about Variants. CDC. https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/variants/variant.html
[3] Department of Health (2021). PH Genome Center Biosurveillance Report [Infographic]. https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/a.157979910879936/4691596760851539/
[4] Fell, E. (2021). Coronavirus variants have new names: we can finally stop stigmatising countries. The Conversation. https://theconversation.com/coronavirus-variants-have-new-names-we-can-finally-stop-stigmatising-countries-159652
[5] Global Virus Network (2021). Epsilon. GVN. https://gvn.org/covid-19/epsilon-b-1-427-b-1-429/
[6] Magsambol, B. (2021). COVID-19 Philippine variant? Call it 'Theta,' says WHO. Rappler. https://www.rappler.com/nation/who-says-call-covid-19-philippine-variant-theta
[7] Rola, A. (2021). FAST FACTS: New coronavirus variants detected in PH. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/news/2021/3/6/COVID-variant-Philippines.html
[8] Tomacruz, S. (2021). Delta COVID-19 cases in PH: What we know and what we don’t. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/delta-covid-19-cases-in-philippines-what-we-know
[9] World Health Organization (2021). Tracking SARS-CoV-2 variants. WHO. https://www.who.int/en/activities/tracking-SARS-CoV-2-variants/
[10] World Health Organization (2020). Coronavirus disease (COVID-19): Virus Evolution. WHO. https://www.who.int/news-room/q-a-detail/sars-cov-2-evolution