
24/08/2023
Ang labi ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople ay ihihimlay sa Chapel 1 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City simula mamayang 6PM, Miyerkules, Agosto 23 hanggang sa susunod na Lunes, Agosto 28, 2023.
Hiling ng pamilya Ople na sa halip na magbigay ng mga bulaklak ay mag-donate na lamang sa Blas F. Ople Policy Center and Training Institute, Inc.
Pwede pong ideposito ang inyong mga donasyon sa Metrobank details na ito:
Account name: Blas F. Ople Policy Center and Training Institute Inc.
Account Number: 242-7-242514633
Sa ganitong paraan ay maipagpapatuloy ang mga adbokasiya ni Sec. T***s para sa karapatan at kapakanan ng mga OFW.
Antabayanan po ang mga karagdagan pang detalye.