Ususan Taguig Community Pantry

Ususan Taguig Community Pantry Ususan Community Pantry is a voluntary group which aims to help people who are in need in this times of pandemic.

This is just our own way of helping and giving back to the community

10/07/2021

JULY 11, 2021 I 8:00AM MASS I 15TH SUNDAY IN ORDINARY TIME

20/06/2021

Live Mass: Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon | 9:00 AM

13/06/2021

Live Mass: Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon | Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon | 9:00 am

10/05/2021

Live : Ika - Sampu Araw ng Pag-aalay ng Bulaklak.

10/05/2021

Magandang umaga po sa inyong lahat...
Simula po sa araw na ito, May 10, 2021, ang sino mang nagnanais pumila sa Ususan Community Pantries ay aming hihingan ng pagkakakilanlan o identification paper, patunay na kayo po ay residente ng Barangay Ususan o nasasakupan ng Parokya ni San Ignacio de Loyola. Ang bawat barangay po ay may kani-kanilang mga pantries at minarapat po na bigyang prioridad ang mga residente nito at ang higit na nangangailangan. Dahil papaunti na lamang po ang ating mga donors or sponsors, ang bilang po ng mga maaring mabibigyan ay maari ding lumiit na lamang at kung ano man po ang aming makalap mula sa ating mga sponsors ay amin ding ipamamahagi sa higit na nangangailangan.
Patuloy po ang aming pasasalamat at.pagdarasal na sana po ay maipagpatuloy natin ang ating gawain at nawa'y mabuksan ang mga puso ng mga taong may kakayahan na magbahagi man lamang ng kanilang biyaya upang maipadama natin ang pagmamahal sa ating kapwa. Atin ring ipanalangin ang ating mga volunteers na maging ligtas sa ano mang sakit at kapahamakan upang patuloy silang makapaglingkod.
Maraming salamat po at kalugdan nawa tayo ng Panginoon...

26/04/2021
*** Ilang-Ilang Ususan Community Pantry Day2 (April 18)"Tiwala sa masa".Lubos na pasasalamat sa napakaraming nagaabot ng...
24/04/2021

*** Ilang-Ilang Ususan Community Pantry Day2 (April 18)
"Tiwala sa masa".
Lubos na pasasalamat sa napakaraming nagaabot ng kanilang makakayanan. Walang maliit sa pagtulong at GodBless you more po. 😊

Sa dalawang araw, dalawang bagay din ang natutunan ko, una, buhay pa rin ang bayanihan at ikalawa ang mga higit na nangangailangan ay mapagbigay din - di sa material kundi ang isipin ang iba sa tuwing kumukuha sila sa pantry. Lahat halos sila ay nahihiya kumuha, halos isa lang, sapat na daw para sa araw na iyon at para daw marami pa ang makakuha. 😭 maraming nakakaiyak na kwento habang sobra sila sa pasasalamat, ang nasasabi ko na lang "hindi po kami ito, maraming tao po at isama nyo rin po sila sa dasal at wag kayo mawalan ng pagasa" 🙏

Marami sa nangangailangan ay walang social media, para sa aming mga kabaranggay, hanggang may mabubuting puso na nagbibigay bukas ang ating lamesa. Bulungan nyo na lang po sila ate at kuya na alam nyo at nakikitang may higit na pangangailangan na dumaan tuwing hapon (iwas din po sa sobrang init dahil nasa open air tayo para mas safe tuwing sabado at linggo)

GodBless us all. Ka-faith lang. 🥰

23/04/2021

Mahalagang paalala: alinsunod po sa HEALTH AND SAFETY PROTOCOL mahigpit pong pinatutupad ang No Facemask, No Face Shield, Bawal pumila.

Ang Taguig Safe City Task Force sa pakikipag ugnayan sa ating mga Barangay, Tapang Malasakit at Disiplina Team ay hangad ang kaligtasan, at kaayusan upang maiwasan ang pagkakasakit o paghahawan sa ating Lunsod. Sila po ay nakatalagang magbantay sa mga Community pantry sa Ususan.

Hinihiling po namin ang inyong pakikisama upang patuloy po maisagawa ang community pantry.

Sa mga makakabasa po nito, maaring pakisabihan ang mga kakilala ninyo na nagbabalak pumunta sa pantry lalo na po ang walang social media. Maraming salamat po.

*** General Luna Ususan Community Pantry Day 2 ( Apr 20)Napaka bilis naubos ng mga pinamahagi. Karamihan ng nabigyan ay ...
23/04/2021

*** General Luna Ususan Community Pantry Day 2 ( Apr 20)

Napaka bilis naubos ng mga pinamahagi. Karamihan ng nabigyan ay mga Ustroda at ating mga Street sweepers. Nag sunod sunod ang mga donations ang ating natanggap. Mga gulay ay mula dito sa aming kapitbahay na fruit and veggie store ni ate Vonie. Mga bigas at salted eggs. Mga cash donations na pinamili ng grocery items. Bottles mineral water from batchmate at lugaw from Tapsihan ni Gatas. Nakakatuwa at nkakataba talaga ng puso ang makita na kanilang mga ngiti.

Ngunit sa kabila nito, aming napansin na may mga mapagsamantala na may mga dala ng bags na punong puno na ng goods at kukuha ult sa mga tables. Naintindihan namin na nangangailangan ngunit ang aming pinamamahagi ay para mapunan ang pang araw araw lamang na pangangailangan. Katulad ng sabi “kumuha ayon sa pangangailangan” ito ay upang mabigyan din naman ang iba. Kaya dahil dyan, ang mga organizers ay napagkasunduang gumawa ng schedule upang maging maayos ang pamimigay ng mga donated goods sa mga nangangailangan.

our schedules are below:

Monday - SILP
Tuesday - Gen Luna
Wed - SILP
Thur - NP Cruz
Friday - SILP
Sat - Ilang-Ilang
Sunday - Ilang-Ilang

Paalala po na tayo ay sumunod sa mga standard protocols. Mag facemask, faceshield. Magdala ng alcohol at sariling bag. Mag social distancing.

Muli po maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po kami mamamahagi sa mga nangangailangan kaya tayo at patuloy ding tatanggap ng mga donations.

Declaring Peace and Blessing sa lahat po. ❤️

*** General Luna Ususan Community Pantry Day 1  (Apr 19, 2021) ***“Give your gifts in private, and your Father, who sees...
23/04/2021

*** General Luna Ususan Community Pantry Day 1 (Apr 19, 2021) ***

“Give your gifts in private, and your Father, who sees everything, will reward you.”
‭‭Matthew‬ ‭6:4‬ ‭NLT‬‬

Dito po kami nagsimula. Lahat ng mga pinamigay ay mula din sa aming mga natanggap ng ayuda at dahil siksik liglig at umaapaw ang biyaya sa aming pamilya kaya minarapat naming ipamahagi ito sa mas nangangailangan. Bumili din kami ng mga pangdagdag bilang panimula ng ating maliit na pantry.

Si nanay nahihiya pa kumuha. Sabi nia “isa isa lang po kukunin ko para nakakuha ang iba. Salamat may pang hapunan na kami mamaya”.

May isa pang buntis ang lumapit at sabi “ate libre po ito? Pwede po ba ako maki hingi. 4 po kasi anak ko, kanina pa po ako nag iisip ano ipapakain ko sa kanila. Sabi ko sige kuha na sya. Ang sagot lang nia ay nahihiya ako ate ikaw na po ang mag balot para sa akin.”

Dahil sa nakita ko ang mga pangangailangan ng mga tao, nagdesisyon kami na ituloy tuloy ito hanggat may nag dodonate.

Sa lahat ng nag donate sa atin, maraming salamat po. Kung makikita nyo lamang mga ngiti ng mga taong nabibigyan natin. Tunay na nakakatunaw ng puso.

Tayo po ay patuloy na mamamahagi haggat kailangan ng ating community.

God bless po sa lahat. ❤️

*** Ilang-Ilang Ususan  Community Pantry DAY 1 (april 17)"Magbigay Ayon sa kakayanan, Kumuha batay sa pangangailangan. F...
23/04/2021

*** Ilang-Ilang Ususan Community Pantry DAY 1 (april 17)

"Magbigay Ayon sa kakayanan, Kumuha batay sa pangangailangan.
Faith in humanity restored...

Naiyak ako... wagas... this is kuya, sya unang dumaan at kumuha. Hiyang hiya sya at ayaw maniwala, sabi nya, "ikaw na po magbigay". Sabi ko ano po kailangan nyo kuya. Sabi nya "pwede bang isa nito? (bigas)". Hiyang hiya kumuha ng isang sardinas at kape kasi sabi namin baka gusto nya. Sabi nya - "okay na po ito... para po maraming pang makakuha" Dusme ang puso ko 🙏😭 sa araw na ito, ang mga walang wala, sila talaga yun nahihiyang kumuha at sobra ang pasasalamat.

Salamat po. Hindi po kami ito, kayo po.... lagi ko nga sinasabi sa mga nagpapasalamat, table lang po ang amin dyan, lahat ng yan ay bigay ng may mabubuting puso. 🥰 bukas po kami para sa may kakayanan - hindi kailangan malaki, ano man maliit basta taos sa puso ay malaking tulong upang maibigay sa may pangangailangan

Magsuot po ng facemask ng maayos, dapat po may faceshield, pumila at magkaroon ng tamang social distance
22/04/2021

Magsuot po ng facemask ng maayos, dapat po may faceshield, pumila at magkaroon ng tamang social distance

TAGUIG CITY SUPPORTS COMMUNITY PANTRIES

“Sa Lungsod ng Taguig, masaya naming niyayakap lahat ng gustong tumulong.

Marami ring mga community either medical mission or relief mission sa Lungsod ng Taguig.

We welcome it but at the same time, let's be conscious of our health protocols dahil kahit sino po, kahit gobyerno ang magbigay ng ayuda o relief sa ating lungsod, we want to make sure it's safe and that we do not cause any other infections or surges.”

- Mayor Lino Cayetano
on his interview on PTV’s Public Briefing

Kung saan nagsimula... :)
22/04/2021

Kung saan nagsimula... :)

22/04/2021

“Ang Unang COMMUNITY PANTRY”

Noon, nagsimula sa maliit na pagbabahagi ng batang lalaki. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Hesus naparami ang tinapay at isda, at napakain ang limang libong tao!

Ngayon, nagsimula sa maliit na ‘Maginhawa Community Pantry’. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na ipinadala ni Hesus, ipinag-alab ang puso ng mga tao upang gawin din sa kani-kanilang mga lugar, at ngayo’y napapakain ang nakararami.

Parehas nagsimula sa kaunti, nauwi sa marami! Tunay nga ang kasabihang: “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!”



22/04/2021

Address

Ususan
Taguig
1639

Telephone

+639465727326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ususan Taguig Community Pantry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram