11/04/2026
“Therapist, wag mong ibaba ang value ng trabaho mo.”tesda is basic itaas mo ang value mo
Minsan dahil gusto natin magka-client,
napapaisip tayo magbaba ng presyo.
“Okay lang kahit mas mababa… basta may kita.”
Pero sa totoo lang,
habang binababa mo presyo mo…
unti-unti mo ding binababa ang value ng massage mo.
Hindi biro ang ginagawa natin.
Pagod ang katawan
May skill na pinag-aralan
May experience na pinaghirapan
Tapos ibebenta mo lang ng mura?
Hindi lahat ng client, para sayo.
At hindi mo kailangan i-please lahat para lang kumita.
Mas okay na konti pero quality client,
kesa madami nga… pero lugi ka naman sa pagod.
Tandaan mo:
Pag ikaw mismo hindi naniniwala sa halaga ng serbisyo mo,
paano pa maniniwala ang client?
Hindi kailangan mahal agad.
Pero dapat tama.
👉 Hindi pababaan ng presyo…
👉 Pataasan ng value.
Kasi hindi lang massage ang binibigay mo,
solusyon sa katawan ng tao