13/11/2025
๐ก MAGNESIUM: ANG MADALAS NA KINAKALIMUTANG MINERAL NA MAHALAGA SA BALANSE NG KATAWAN!
Ang magnesium ay isa sa pinaka importanteng minerals sa katawan, ngunit kadalasan ay kulang tayo nito.
Kung madalas kang mapagod, kinakabahan, nagkakakramps, o hirap matulog, maaaring senyales ito ng magnesium deficiency.
โธป
โ
ANO ANG GINAGAWA NG MAGNESIUM SA KATAWAN:
โข Binabalanse ang oxalates โ pinipigilan nitong magdikit ang calcium at oxalate para hindi maging kidney stone.
โข Pinapataas ang citrates โ tumutulong tunawin ang maliliit na kristal bago maging bato.
โข Pinapa-alkaline ang ihi โ iwas uric acid stones.
โข Natural calcium regulator โ tinutulungan manatili ang calcium sa buto at hindi sa kidney o ugat.
โข Kalma sa muscles at nerves โ tumutulong sa relaxation, kaya mainam sa mga laging pagod o stressed.
โข Suporta sa puso at metabolismo โ tumutulong sa tamang tibok ng puso at blood sugar control, lalo na sa low-carb lifestyle.
โธป
๐ฅ LOW-CARB FOODS NA MAYAMAN SA MAGNESIUM:
โข Avocado
โข Almonds
โข Pumpkin seeds
โข Spinach at kale
โข Sardines at salmon
โข Dark chocolate (85% pataas)
โข Chia at flax seeds
Ang pagkain ng mga ito ay tumutulong mapanatili ang tamang electrolyte balance, lalo na kung nagfa-fasting o naglo-low carb ka.
โธป
๐ MAGNESIUM SUPPLEMENT FORMS AT GAMIT NITO:
โข Magnesium Citrate โ nakatutulong sa kidney stone prevention at para sa mas alkaline na ihi.
โข Magnesium Glycinate โ best choice para sa relaxation, muscle recovery, at maayos na tulog.
โข Magnesium Malate โ nagbibigay energy at tumutulong sa muscle pain o pagod.
Iwasan ang Magnesium Oxide dahil mahina ang absorption at madalas magdulot ng diarrhea.
โธป
๐ง PRAKTIKAL NA TIPS:
โข Uminom ng sapat na tubig araw-araw.
โข Bawasan ang processed food at refined carbs.
โข Kumain ng real, whole foods na may natural minerals.
โข Kung umiinom ng supplements, sabayan ng balanced diet.
โธป
๐จโโ๏ธ MAHALAGA:
Bago uminom ng anumang magnesium supplement, kumonsulta sa inyong doctor para sa tamang gabay at dose, lalo na kung may kidney problem o maintenance medicines.
Educational purpose only. Not medical advice.
&Wellness