Dr. Emmeline De Los Santos- Cancer Surgeon Ph

Dr. Emmeline De Los Santos- Cancer Surgeon Ph She has special interest in Benign and Malignant Breast diseases. She is an advocate of women empowerment.

Dr. Emy is a double board certified, double fellowship trained surgical oncologist and breast surgeon specializing in oncoplastic, minimally invasive & robotic breast surgery and comprehensive breast cancer care.
📍 MNL 🇵🇭 She graduated from the University of the Philippines College of Medicine and trained in the Philippine General Hospital for general surgery and surgical oncology. She is a member

of Junior Chamber International and spearheaded multiple medical projects including Got Heart Philippines and Wonder Women that received the 2019 Temiong Award for Best Public Health Program.

25/07/2025

Ano ang portacath at bakit ito mahalaga sa chemo? 💉
Mas pinapadali at pinaginhawa nito ang gamutan.
✅ Pinakamainam bago magsimula ang chemo
⚠️ Mag-ingat sa impeksyon
📆 Tinatanggal kapag tapos na ang gamutan

Tanungin ang iyong oncologist kung kailangan mo nito. 💬

23/07/2025

✨ Salamat sa parangal bilang Bravo Empowered Women Awardee for STEM ngayong 2025 — kasama ang 8 iba pang kababaihang nagsisilbing inspirasyon sa kani-kanilang larangan.
Salamat sa Diyos, sa Zonta Club of Makati & Environs, at sa Security Bank sa tiwala at pagkilala.
Ito ay isang inspirasyon para ipagpatuloy ang aking adbokasiya sa breast cancer care — para sa mas maraming kababaihang Pilipina.

22/07/2025

Mabuhay! Ikinagagalak naming maging punong abala para sa mga kilalang siruhano mula sa iba’t ibang panig ng mundo dito sa maulan (at baha) na Maynila para sa taunang pagtitipon ng International Society for Fluorescence Guided Surgery (ISFGS). Sa tulong ng teknolohiyang ito, mas nagiging ligtas at abot-kaya ang operasyon para sa mas maraming pasyente sa buong mundo. Patuloy kaming natututo mula sa mga kapwa naming eksperto—lokal at internasyonal—at tunay na ipinagmamalaki ang pagpapakilala ng ating pagkain, kultura, at ang walang kapantay na Filipino hospitality.

Calling all colleagues and trainees!The Philippine Society of Breast Surgeons invite you to attend our 6th annual conven...
16/07/2025

Calling all colleagues and trainees!

The Philippine Society of Breast Surgeons invite you to attend our 6th annual convention - Bridging Gaps: Optimal Approaches to Breast Diseases on October 17 &18, 2025 at SEDA Hotel, BGC.

Please save the date.

You may register by scanning the QR code or thru this link:
https://bit.ly/PSBS6thAnnualConventionReg

We look forward to seeing you there.

16/07/2025

Na-chemo ka na. Naoperahan ka na. Pero may natirang bukol?
Ibig sabihin, may natirang cancer cells — kaya kailangan pang gamutin.

👉 Sa TNBC: Capecitabine (CREATE-X trial)
👉 Sa HER2+: Kadcyla (KATHERINE trial)

Hindi ito sobra.
Ito’y dagdag proteksyon para hindi na bumalik ang cancer.
Lumalaban tayo — mas matalino, mas matatag. 💪💖

💗 May ER+/PR+ breast cancer ka? Alamin kung paano ito mapipigilan bumalik.✅ Tamoxifen – binabawasan ang chance na bumali...
13/07/2025

💗 May ER+/PR+ breast cancer ka? Alamin kung paano ito mapipigilan bumalik.

✅ Tamoxifen – binabawasan ang chance na bumalik ang cancer ng ~40%
✅ Abemaciclib – para sa mga high-risk na pasyente (MonarchE Trial)
✅ Ribociclib – epektibo kahit sa hindi ganun kataas ang risk (NATALEE Trial)

🧬 Tamang gamot, tamang proteksyon.
Tanungin ang iyong doktor kung ano ang bagay sa iyo.

11/07/2025

✨ Ito ang punch biopsy — isang mabilis at simple'ng paraan para malaman kung may breast cancer, lalo na kung may pagbabago sa balat ng utong o ar**la (tulad ng pamumula, pangangati, o pagkaliskis na ayaw mawala).

📍 Ginagawa ito gamit lang ang local anesthesia. Walang tahi, walang operating room — pero pwedeng magbigay ng mahalagang sagot.

💡 Huwag balewalain ang pagbabago sa balat ng dibdib.
🩺 Mas maagap, mas maayos ang gamutan.
🎗️ Maging aware, para makakilos agad.


Maturing in my career looking up to many legendary people in these photos and continually evolving everyday. Collecting ...
10/07/2025

Maturing in my career looking up to many legendary people in these photos and continually evolving everyday.

Collecting 2025 memories here.

09/07/2025

Wala na ang bukol, pero hindi ibig sabihin wala na ang cancer. 🎗️
Kaya operasyon pa rin ang kailangan — pero HINDI ito laging mastectomy.
May mga opsyon tulad ng breast-conserving surgery.
Kaya mahalagang pag-usapan ito ng maayos sa inyong surgeon.
Hindi tayo susugal sa kalusugan.

06/07/2025

💬
Dahil may dahilan kung bakit ko ginagawa ito—
Para matulungan ang mga Pilipina na makahanap ng tunay na sagot, tamang gabay, at pag-asang totoo.

Madalas, nakakakita ako ng kababaihang kumakapit sa halamang gamot o mga di-napatunayang lunas… dahil sa takot, kalituhan, o kawalan ng tamang impormasyon.
At minsan, buhay ang kapalit.

Kaya ako nandito.
Dumaan ako sa mahaba at mahigpit na training—med school, residency, fellowship—dahil naniniwala akong karapat-dapat ang bawat babae sa pangangalagang may puso at siyensya.

Hindi lang ito trabaho. Panata ko ito.

Gawin nating mas malakas ang katotohanan kaysa sa takot. Blessed Sunday po!

04/07/2025

🤔 May BIRADS 3 sa ultrasound mo? ‘Wag agad mag-alala.

Kadalasan, pagmamatyag lang muna ang kailangan. Pero kung lumaki o nag-iba ang bukol — kailangan nang i-biopsy.

💉 Ang VABB o Vacuum-Assisted Breast Biopsy ay pwedeng mas mainam kaysa sa core needle biopsy kung:
✅ Maliit ang bukol (

Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Emmeline De Los Santos- Cancer Surgeon Ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Emmeline De Los Santos- Cancer Surgeon Ph:

Share