03/07/2025
"BATANG PALABOY"
Inspiring Story!
👣Ni: MARIA SOLO
❌PLAGIARISM is a CRIME❌
Ang malaking pier ang laging tambayan ng binatilyong palaboy na si Jun. Doon kase pinupulot n'ya ang mga nahuhulog na isda ng mga nadaong na bangka at may mga mababait na mangingisda ang nag aabot sa kanya ng mga reject na isda at instant may ulam na s'ya.
At dahil bata pa ito, umaasa pa s'ya na dadaong pa ang bangka ng kanyang tatay at nanay at kapatid. Umaasa ito na babalikan pa s'ya kahit may report na ang mga pulis na missing na sa laot ang mga ito dahil sa malakas na bagyo noon, na tumama sa lugar nila.
Kaya ang pier na ang naging tahanan ng batang si Jun, at dahil may nag aabot sa kanya, kahit papano. Kaya naman ganun araw araw ang kanyang ginagawa para lang malamnan ang kumakalam n'yang t'yan, at nang lolo n'ya na may sakit. Pag masama naman ang panahon at walang mga mangingisda ay namamalimos naman s'ya sa plaza para naman may maibili s'ya kahit tinapay man lang.
Lumaki na si Jun sa ganong buhay at kilala na s'ya sa pier at hinahayaan na s'ya na tumambay doon ng mga guard. Naawa kase sila sa bata, ulila na ito at ang kanyang magulang at mga kapatid hindi na nakabalik ng buhay ng abutan ng bagyo sa laot.
"Pahingi po kahit po konting isda lang po..." Wika ng batang si Jun.
May nag aabot sa kanya at may masasamang ugali rin na pinaalis s'ya at pinag tatabuyan. Kaya tatakbo na muli ito sa kabilang parte ng daungan ng mga bangka at doon naman manghihingi.
"Nakakaawa naman ang batang yan binatilyo na, dati anim na taon lang yan, at iyak na iyak araw araw d'yan habang hinihintay ang pag babalik ng kanyang magulang."
Kwento ng guard kay mang Estong isang mangingisda na nag dadala ng mga panindang isda sa mga suki n'ya.
"Kaya pala matagal ko na ding nakikita nga d'yan ang batang yan solo na pala sa buhay. Wala bang kamag anak yan."
"Meron po yang lolo kaya lang klaseng naka higa na matanda na kase, pag nga po may sobra ako sa sahod inaabutan ko kahit bigas." Dagdag pa ng guard.
Napaawa naman ang ka Estong at mula noon pag napadaong s'ya sa pier hinahanap na n'ya ang binatilyo at inaabutan n'ya kahit magkano.
"Boy gusto mo ba sumama sa akin sa kabilang isla ha, maganda dun isang barangay lang halos kami. At may mga resort dun, maraming turista may tindahan ang asawa ko dun ng mga souvenir item." Akit ni ka Estong kay Jun.
"Naku, wala po makakasama ang lolo ko eh, may sakit na po na-mild stroke na po." sagot ni Jun.
"Ganun ba, tara sa bahay n'yu ibili nating pagkain lolo mo, tawagin mo na lang akong tatay Estong. Wala kase akong anak kaya naawa ako sa'yo mangingisda din ako kagaya ng magulang mo."
Naging malapit nga si Jun sa matanda at nakilala pa ni mang Estong ang lolo ni Jun na naka higa na dahil na-mild stroke na ito. Lagi ng inaabutan ni ka Estong ng bigas at isda ang mag lolo.
"Jun mag aral ka huwag kang titigil yun lang ang paraan para makaahon ka sa kahirapan. At pag nawala na ang lolo mo makakaya mo na mag isa."
"Pag po kase ako ay pumasok sa school walang mamalimos paano kami kakain ni Lolo.."
"Hayaan mo at gagabayan kita, basta gusto ko mag aral ka at malay mo makahanap tayo ng mag papaaral sa'yo hanggang kolehiyo."
At sumunod naman si Jun dahil pangarap din n'ya na makatapos ng pag aaral. At linggo linggo nga sinasadya ni ka Estong na dumaong sa pier, para abutan ng baon at bigas ang mag lolo. At pag sinuwerte at may foriegner na mabait nakakahingi ng dollar ang ka Estong at agad ibinibigay kay Jun.
"Tatay Estong sabi ng g**o ko e-exam daw po ako at baka mag jump ako sa ikalawang taon sa sekondarya." Masayang salubong ni Jun kay ka Estong.
"Aba, ay! Magandang balita yan anak, masaya ako para sa'yo galingan mo ha, kumusta lolo mo, may dala akong vitamins bigay ng mga foriegner sa isla."
"Masama po ang pakiramdam, kahapon pa.. Sagot ni Jun."
At naabot nga ni ka Estong na mahina na ang matanda. Agad naman n'ya dinala sa center at tumulong ang kapitan ng barangay na madala ito sa malaking hospital sa bayan.
"Estong bahala ka na sa apo ko ha, huwag mo s'ya pababayaan ha. Mabait ang batang yan at pinalaki ko yang magalang at matalinong bata yan." Saad ng lolo ni Jun.
"Aba'y bakit parang nag papaalam ka na, gagamutin ka nila dito tutulungan kita ha, ani ka Estong."
"Ramdam ko hindi na ako tatagal, kaya lang naman ako nabubuhay dahil sa batang yan. At ngayon and'yan ka na kaya lagay na ang loob ko."
Naluluha si Jun alam n'ya na hirapan na ang lolo n'ya kaya naman pipilitin n'ya makapag aral at makatapos para hindi s'ya maging pabigat. Isang linggo din sa hospital ang lolo ni Jun at sa tulong ng barangay wala silang ginagastos.
Ngunit pag balik ni Ka Estong sa hospital wala na ang lolo ni Jun. At nakita n'ya si Jun umiiyak at ramdam nito ang takot sa bata.
"Huwag kang matatakot Jun, sinadya ng Diyos na makita kita dahil mamahinga na daw ang lolo mo. Tahan na anak, pangako hindi kita pababayaan."
Nailibing ng lolo ni Jun at may mga nag abot ng tulong kay Jun. Pinipilit isama ni mang Estong si Jun sa kabilang isla pero aayaw nitong sumama.
"Gusto ko po mag aral at makatapos tatay Estong mahirap po sa isla, dito po malapit ang school." Ani Jun.
"Ay! Sige at dadalaw dalawin kita, at dadalhan kita pagkain at baon ha, ipapagawa ko pati ang bahay mo para safe ka pag sumama ang panahon."
Matalinong bata si Jun at natutuwa ang ka Estong pag kinakausap nito ng g**o ni Jun. Masipag daw itong pumasok kaya naman natuwa ang g**o at binigyan ng mga damit galing sa mga anak ng mga g**o.
At dahil malapit ng mag tapos ng highschool si Jun nag pilit na ihanap ni ka Estong si Jun ng sponsor. At hindi naman nabigo si ka Estong, isang foriegner ang kinausap ng asawa n'ya at gustong tulungan si Jun.
"Jun s'ya si Mrs. Smith mabait sila at dito na naninirahan sa pilipinas. May bahay sila sa maynila at gusto ka nilang tulungan, marami silang pinag aaral na kabataan mga taga isla. Kaya lang kailangan mong sumama sa kanila sa maynila ha, ani ka Estong."
Noong una ay alanganin si Jun pero dahil gusto daw n'yang maging Engineer sumubok siyang sumama. At tumatawag naman ang ka Estong sa maynila gamit ng selpon ng guard.
"Ayos naman kami dito tatay Estong marami kami dito at lahat nag aaral, kaya lang kami po ay ginagawang kargador at pinag bubuhat ng mabibigat. May negosyo po kase galing ibang bansa po ang mag asawa." Sagot ni Jun.
Nag aalala si ka Estong na baka hindi kayanin ni Jun, at awa naman ng Diyos, nakatagal naman si Jun dahil may pangarap ito. Pero hindi na makontak ni ka Estong si Jun ng lumaon, at maging ang foriegner ay hindi na rin bumalik sa Isla.
Nalungkot si ka Estong sa kalagayan ni Jun, wala naman s'ya kakayahang lumuwas. Pabalik balik si Ka Estong sa bahay nina Jun at nag baba-kasakali na bumalik na ito. Pero bigo ang matanda.
"Nag aalala ako kay Jun, Emma baka napahamak na ito sa maynila." Saad nito sa asawa.
"Estong malaki na si Jun at lalaki yun, makakaya na n'ya mabuhay doon. Huwag kang mag isip at baka makasama sa'yo yan."
Ilang taon din ang lumipas at nanatili si ka Estong pabalik balik sa bahay nina Jun.. Hanggang isang araw nakabalita silang mag asawa na isang lalaking pinag aral din ng foriegner na taga isla nila, ang umuwi at tinanong nila kung kilala ba si Jun.
"Ah, si Jun po ba? Dinala po iyon pa america at hindi ko na po alam ang nangyari dun, nagka asawa na po kase ako at hindi na nakatapos."
Kahit papano ay lagay na ang loob ni ka Estong at asawa nito, dumaan pa ang maraming taon nauna nang mag pahinga ang asawa ni ka Estong. Namatay ito sa ataki sa puso at solo na ang matanda sa isla. At nag titinda na lang ng yosi at hirap ng mag lakad dahil sa rayuma.
May nag donate ng wheelchair kay ka Estong at nanatili na lang itong paikot ikot sa resort at nag hihintay na lang na kunin na s'ya ng Diyos.
"Kumusta na kaya si Jun sana ay nasa magandang buhay ka na, baka hindi mo na ako abutang buhay ang mahalaga ay naabot mo ang pangarap mo." Bulong ni ka Estong habang nakatanaw sa laot.
At sa kanyang malabong paningin, natanaw n'ya ang malaking yate na dumaong sa isla. Buong akala n'ya ay guest ng resort ito, at isang mataas na lalaki na mukhang foriegner ang papalapit sa kanya.
"Tay.... Kumusta ka na po!
"S-sino ka ba?
"Tay..Si Jun po!
"J-jun abaaaa.. Kumusta ka na anak, huhuhuhu kumusta ka na, akala ko kung napaano ka na. At bakit mukha kang kano anak, ha?
At sinabi ni Jun ang naging kapalaran n'ya at walang tigil si ka Estong sa pag luha.
"Tay....Alam mo ba, inampon ako nina Mrs. Smith at dinala sa america. Doon na ako ng tapos ng pag aaral, wala kase silang anak at ako ang nag tuloy ng negosyo nila. Pasensya ka na ha, nawala kase ang number ng guard kaya hindi na kita natawagan noon. Tapos hindi na kami bumalik ng pilipinas."
"Abaa, salamat sa Diyos anak, at naging maganda ang kinahantungan ng pagtitiis mo."
"Opo, tay at ngayon wala na ang mag asawa naaksidente sila sa america, kaya solo na po ako at nag babalak ng mag asawa. Kaya binalikan kita asan na po ang nanay Emma?"
"P-patay na Jun, ilang taon na rin."
"Ganun po ba? Tara na tay pabubuhat kita sa tao ko ha, isasama na kita sa maynila. Mag paalam ka na sa kanila ha, at ako naman tatay Estong, ako naman ang tutulong sa'yo pangako mag sasama pa tayo ng matagal." Sambit pa ni Jun.
Nag iiyakan ang mga staff ng resort masaya sila para sa matanda, at alam nila may mag aalaga na dito.
"Tatay Estong tatawagan mo kami ha, masaya kami para sa'yo po." Sigawan ng mga staff ng resort.
Isang mansion ang bumungad sa mga mata ni ka Estong sa siudad ng maynila at may mga kasambahay at may sarili s'yang kwarto. Isang pribadong village ang lugar ng bahay ni Jun, at isang magandang babae na foriegner ang sumalubong sa kanila at yumakap kay ka estong. At magaling mag tagalog at mukhang anak din ng mayaman.
"Tay s'ya si Magda ang Girlfriend ko anak po s'ya ng pinay at ang ama n'ya ang kano at ikakasal na kami sa sunod na buwan."
"Hello, po tatay Estong salamat sa tulong sa asawa ko po. Kami na bahala sa'yo ha, at salamat muli sa'yo nakilala ko ang asawa ko." Saad ng girlfriend ni Jun, na napakaganda."
Napangiti si tatay Estong ngayon nakita na n'ya na kahit mawala na s'ya. May pamilya na si Jun at napakayaman pa, hindi na matitikman ng anak ni Jun ang pinag daanang hirap at gutom, na naranasan ni Jun noon.
Pinagamot ni Jun si ka Estong ibinili ng mamahaling gamot at ibinili ng bagong wheelchair. At may nag aalagang private nurse.
Kay saya ni Jun at kay gandang lalaki at kay sarap pakingggan ang mga halakhak nito, nakatitig lang si ka Estong dito at iniisip na ang batang dating laging naiyak ngayon nakakatawa na at may maganda na itong ngiti ngayon.
Idinaos ng kasal ng dalawa ni Jun at Magda at sa isang sikat na hotel ginanap ang reception, at pareho palang Engineer si Jun at Magda, kaya naman ang mga bisita nila mga negosyante din at mga kaibigan sa america na umuwi para sa kasal ng dalawa.
Sa simbahan.. Yakap yakap ni Jun si ka Estong..
"Tay Estong kung hindi mo ako nakita noon, walang Jun sa harapan mo ngayon. Salamat po! Mag palakas ka pa ha, matagal pa tayong mag sasama itay ko."
Lumuluha ng kaligayahan si ka Estong ng oras na iyon, at kahit ramdam n'ya na hindi na s'ya tatagal sa mundo ang mahalaga naihatid n'ya si Jun sa altar.
Nakatagal pa nang halos isang taon ang buhay ni ka Estong at nam*tay itong hawak ang kamay ni Jun at nakangiti. Dahil aalis s'ya, na ang batang yagit na palaboy noon, iiwanan na n'ya na may pamilya na, at marami ng pera at hindi na maghihirap pa.
"Paalam na tatay Estong, salamat sa pag mamahal at salamat sa pag hahatid mo sa akin, para sa magandang buhay na aking nakamit.. Mahal na mahal po kita.. Paalam po tatay." Bulong ni Jun.
Matapos ang libing inayos lang ni Jun ang lahat at bumalik na silang mag asawa sa America. At taon taon bumabalik s'ya sa pilipinas at sa isla at Pier at nag hahanap ng mga pulubi at ilang malalayong kamag-anak at nag aabot ng tulong.
~•WAKAS•~
(Photo not mine...Cttro po!)