17/01/2023
Ika nga nila, "health is wealth." Kaya't mahalaga ang pagkakaroon ng health care plan upang mas maalagaan mo ang iyong kalusugan. Ang iyong kalusugan ay isa sa mga pinaka-importanteng bagay na dapat mong alagaan. Ngunit hindi maiiwasan na magkaroon tayo ng sakit, o problema sa kalusugan. At kadalasan, nagiging malaki ang gastusin para dito. Pero kung mayroon kang health care plan, siguradong mas abot-kaya ang magiging gastusin.
Pero ano nga ba ang talagang ginagawa ng health care plan, at paano ka nito matutulungan?
Ayon sa World Health Organization, 5% ng GNP (gross national product) ay para sa health care plan. Ngunit sa Pilipinas, 2% lamang ang binubuo ng health care sa GNP. Ibig sabihin nito, kakaunti lamang sa Pilipinas ang mayroong health care plan.
Pero ano ang magiging advantage ng pagkakaroon nito?
Sa Pilipinas, mayroon tatlong paraan upang makabawas sa gastos kapag ikaw ay nagkasakit. Ito ay sa pamamagitan ng health insurance, HMO o health card, at Philhealth.
Ang health insurance ay kadalasang kasama sa mga insurance plan. Ang pagbabayad nito ay nakadepende sa napag-usapang payment schedule, at dito ay makakakuha ka ng benefit ung ikaw ay magkasakit. Makakatulong rin ang health insurance kapag ikaw ay naospital, dahil pwede kang makakuha ng reimbursement kapag ikaw ay na-confine.
Hiwalay pa ang health insurance sa life insurance, dahil kadalasan sakit lamang ang magiging coverage ng mga health insurance. Pero mayroon din namang life insurance na may kasama na ring health insurance.
Ang HMO o health card naman ay tinatawag rin na health plan. Kumpara sa health insurance na reimbursement ang ibinibigay, ang health card ay pwede mong gamitin upang bayaran ang iba’t-ibang mga health services.
Halimbawa, ikaw ay gustong magpagamot ng iyong ngipin. Kung covered ito ng iyong health card, pag pumunta ka sa accredited na clinic, ay wala ka nang babayaran sa pagpapagamot ng iyong ngipin.
Ang isang malaking pinagkaiba ng health card sa health insurance ay sa health insurance, mayroon kang insurance benefit at makakakuha ka ng lump sum kung sakaling magkaroon ka ng kritikal na sakit, tulad ng kanser, stroke, sakit sa puso etc. Kumikita ka rin ng dividend sa health insurance kapag hindi ka nagkasakit sa taong iyon.
Maganda ang health card para sa biglaang pagkakasakit, dahil nakakabawas ito ng gastusin sa ospital. Hindi katulad ng health insurance kung saan mag-aantay ka pa upang makuha ang reimbursement.
HUWAG MAHIYANG MAGTANONG! KUMUHA NA NG HEALTH CARD ❤️
Reference link; https://www.asianmoneyguide.com/health-care-plan-para-saan