10/03/2019
DALAW
Sa panahon ng dalaw ng mga kababaihan, kadalasan ang ilang mga babae ay nakakaranas ng pananakit ng ulo, pananakit ng puson, irregular na daloy ng dugo, pananamlay o pagkabalisa. Iminumungkahi ng mga nakakaalam ang mga bawal na gawin ng isang babae tuwing dadatnan ng dalaw:
1. Huwag uminom ng malamig na tubig, soft drinks, o kumain ng buko o niyog sa panahon ng dalaw.
2. Kapag maliligo tuwing may dalaw, kung maaari sanang basain muna ang paa bago ang ulo upang di umakyat ang init sa katawan papuntang ulo na sanhi ng dysmennorrhia at matinding sakit ng ulo. Iwasang maligo sa unang araw ng dalaw.
3. Huwag kumain ng pipino sa panahon ng dalaw sapagkat ang katas nito ay maaaring humadlang sa daloy ng dugo na lumalabas sa uterus na maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng o***y cyst, fibroid, myoma, uterus tumor, barrenness o kanser.
4. Bawal mabugbog, malamog o mapalo ng matigas na bagay ang balakang o tiyan ng may dalaw na sanhi ring pagkakaroon ng sakit na likas lamang sa mga kababaihan.