22/03/2022
Stay hydrated higala ❤️
Bakit madaming may rashes at mamaso ngayong summer?
Dahil po yan sa kakaibang init ng panahon. Pero di lang po ganun kas simple ang sagot. Hihimayin ko.
Ang init ay nagdudulot ng mas madaming pawis at dahil doon magkakaroon ka ng bungang araw. Ang sariling pawis kasi natin ay nagdadudlot ng iritation sa sarili nating balat kapag ito ay more than the usual kaya ito ay namumula.
Napansin niyo ba ang mga rashes as nasa noo, leeg, likod, kili kili, harap ng siko, likod ng tuhod at sa singit. Dahil po mas mainit ang mga areas na ito at pinagpapawisan.
Kulang sa ligo o kulang sa bula ang sabon. Ang bula kasi ang nakakatangal ng pawis. Ang pawis kasi ay parang sebo.
Hindi po kaya ng tubig lang ang sebo. Gaya ng kanta ni Sharon Cuneta. Ang tubig at langis ay kailan man ay di pwedeng magsama. Pero ang bula ng sabon ay natangal ang mantika, gaya ng naghuhugas tayo ng plato. Di ba kailangan mabula?
Subukan mong maghugas na walang sabon, di ba di pwede? So ganun din ang pagligo. Kung masayadong tinipid ang bula dahil masyadong nagmamadali ang ligo, maraming pawis ang di natangal at yun ang dahilan bakit magkakarashes. Dapat kasi tapatan natin ang hamon ng summer.
Yung usual na ligo natin ay di oobra sa init ng panahon.Sa totoo lang po mas magamda sana kung maligo rin sa gabi na bumubula talaga para yung pawis ay hindi mag 24 hrs stay sa katawan.
Ang init ng araw ay nagdudulot na matuyo ang ang mga bulaklak sa inyong paligid at ito ay magdudulot na mas magaan ang mga pollens at mas madaling lumipad sa hangin.
Kapag ito ay nadikit sa balat, magcacause din ito ng rashes, kung mainhale makaka allergic rhinitis, kung mapunta sa mata ay maluluha or pwede pa masore eyes kung kinamut ng kamay ang mata.
Ang mga bungang araw o pollen skin allergies ay pwedeng maging entry point ng mga bacteria kaya nagiging mamaso or pigsa.
So importante ang ligo, sabon, iwas sa maiinit na lugar. Kung di lang mahal ang kuryente, mas di nagrarashes ang nasa aircon.
Dr. Richard Mata
Pediatrician
Kabayan Partylist Nominee