29/08/2024
PRIVILEGE SPEECH OF SENATOR CHRISTOPHER “BONG” GO ON PHILHEALTH
August 27, 2024, Senate of the Philippines
Mr. President, I rise on a matter of personal and collective privilege.
Mr. President, according to the World Health Organization, Universal Health Coverage means that “all individuals and communities receive the health services they need without suffering
financial hardship. It includes the full spectrum of essential, quality health services, from health promotion to prevention, treatment, rehabilitation, and palliative care.”
Republic Act 11223 or the Universal Health Care Act was signed into law by then President Rodrigo Duterte on February 20, 2019. Andito po ang ating principal sponsor ng batas na yan.
The law not only seeks to improve access to healthcare but also aims to fix the healthcare system in the Philippines. Under the law, every Filipino shall be automatically included in the National Health Insurance Program, either as a direct or indirect contributor. This is to protect people from the financial risk of paying for health services out of their own pockets and reduce the risk that people will be pushed into poverty.
We want to eliminate the idea of healthcare as an entitlement and as a privilege of the few who can afford to pay.
My fellow Filipinos, health is a fundamental right, not a commodity.
The law is very promising. And if not for the COVID-19 pandemic, we have surely made significant steps to realize the objectives of the UHC.
For universal health care to be sustainable, we need to secure the necessary funding that will keep the program in good running shape. That is why the law provided for pooling of resources to provide necessary funding to implement the provisions of the UHC Act.
Mr. President, it was earlier reported that PhilHealth is transferring P89.9 billion, representing unused government subsidy for PhilHealth, to the national treasury. As part of our oversight functions, the Committee on Health and Demography immediately conducted hearings on the matter. During the hearing, Department of Finance Secretary Ralph Recto confirmed the transfer in tranches of unused PhilHealth subsidy. Secretary Recto argued that Congress, in Republic Act 11975 or the 2024 General Appropriations Act, authorized the DOF to perform and execute such transfer. This is now a matter left to the Court to decide as some concerned Filipino taxpayers already filed the petition in the Supreme Court to stop such transfer, including our Minority Floor Leader Senator Koko Pimentel.
At habang nakabinbin ito sa korte, hindi kaya dapat hintayin muna natin ang desisyon ng Supreme Court bago natin gamitin ang pondo ng PhilHealth sa iba't ibang mga proyekto na wala namang kinalaman sa kalusugan? Hindi po milyon kundi bilyones ang pinag-uusapan natin dito. Paano kung sabihin ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa Saligang Batas o, sa simpleng salita, mali na inilipat at nagamit sa ibang proyekto ang pera ng PhilHealth funds? Naloko na! Nagastos na ang pera sa ibang project! Pwede pa ba maibalik yun?
Naiintindihan ko ang trabaho ng ating economic managers na maghanap ng pondo, panahon nga po ng COVID naghahanap ng pondo ang mga economic managers. Ngayon naman po naghahanap ng pondo ang economic managers pero bakit po ang PhilHealth ang kinuhaan niyo. Marami naman po ahensya dyan na may sobrang pondo at di magastos ang budget. Bakit kailangang unahin ang health na alam naman natin na maraming pasyente pa ang kailangan ng tulong at malaki pa rin po ang kanilang out-of-pocket nila? Alam naman natin na the full
implementation of the UHC is still far from reality.
Mr. President, gaya ng sinabi ko noong hearing, legally, baka meron silang magandang palusot But, morally? For me --- this is unacceptable! Ang pondo para sa kalusugan ay dapat para sa kalusugan lamang. Kaya nga binuhusan ng pondo ang PhilHealth para ma-implementa nito ang mga programa na ayon sa UHC.
Ang tanong ngayon ng ating mga kababayan -- Bakit bilyon bilyon ang naka-tenggang pondo ng PhilHealth kung marami pa ring pasyente ang naghihingalo at walang pambayad sa ospital? Bakit marami pa rin ang hindi nagpapa-konsulta, takot magpa-ospital o magpa-tingin sa
doktor? Bakit kulang pa rin ang benefit packages ng PhilHealth at may out-of-pocket o dumudukot pa rin sa sariling bulsa ang mga pasyente? Alam kong alam niyo yan. Pag na-admit po kayo ngayon, bubunot pa kayong iba, nagsasangla ng bahay, binebenta yung kalabaw, sinasangla yung refrigerator. Bakit may mga ospital pa rin na hindi nababayaran ng PhilHealth? Bakit may mga polisiya ang PhilHealth na masyadong restrictive kaya hindi magamit ang mga benepisyo?
Sa totoo lang po, maraming pasyente pa rin ang hindi malaman kung saan maghahagilap ng pera pangpapa-ospital o pambili ng gamot. Sa pag-iikot ko po sa buong bansa, laging may pasyenteng nanghihingi ng tulong. Sa inyo, sa atin dito sa ating mga opisina, ga-bundok po ang request for medical assistance. Napakahirap pong maging mahirap, mga kababayan ko. Naalala ko po sa karanasan ko po sa isang pasyente sa Lanao del Norte, pinili na lang niyang ipatanggal ang oxygen dahil wala na siyang pambayad.
Marami raw pong kasong ganito – ang tawag po nito “home against medical
advice” o HAMA. Pero ngayon sasabihin na dahil sobra-sobra naman ang pera ng PhilHealth, ita-transfer na lang po sa national treasury at gagamitin na lang sa iba't ibang proyekto.
Meron ngang nai-report na buntis sa Cebu na tumangging magpadala sa ospital at piniling manganak sa kalsada dahil walang perang pambayad. Namatay po ang ginang at ang kanyang sanggol. Ayan po nasa video.
Nakakalungkot, nakakadurog ng puso. Kawawa naman yung ating mga kababayan. Mahirap talagang maging mahirap.
Mr. President, ika nga, aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo? Hindi katanggap-tanggap na may pondong natutulog lang po na hindi nagamit para matulungan ang bawat Pilipinong miyembro naman po ng PhilHealth. Dahil lahat po tayo, lahat ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth.
Sa bawat pasyenteng hindi nyo natutulungan ng PhilHealth, maaaring buhay po ang kapalit dyan. Nagtiya-tiyaga na lang ang ating mga kababayan sa hindi gaanong kalakihang benepisyo dahil akala nila walang pera po ang PhilHealth. Kaya yung iba umaasa na lang sa medical assistance mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tapos malalaman natin ngayon na may sobrang pondo pa pala?
It is for these compelling reasons, Mr. President, that I call upon PhilHealth to do its promises during the committee hearing of the Committee on Health. Nangako po sila.
First, paalala ko lang po sa PhilHealth, increase your case rates. During the hearing, it was reported that PhilHealth has around 9,000 case rates. Ito po yung coverage nila sa isang sakit o procedure. PhilHealth's President said that they already increased rates covered by 30% last January and they further plan to increase it 30% before the year ends. We will hold PhilHealth to that commitment.
But the question still lies, sapat ba itong…60% increase para mahabol ang kakulangan ng PhilHealth? As reported in the hearing, PhilHealth was not able to enhance its benefits for 12 years. Kaya kahit magtaas tayo ng 60%, baka naman napakaliit ng PhilHealth benefits compared to the actual cost ng treatment sa ngayon. Ang mahal talagang magpa-ospital ngayon. Baka ang mangyari, eh pampalubag loob lang po ito.
Based on the Philippine Statistics Authority report covering January to November 2023, the top cause of death in the country were heart disease and coronary artery disease. According to PhilHealth, angioplasty, which is a curative treatment for cardiovascular disease, only has a case rate of 30,000 to 39,000 while the actual cost of treatment, Mr. President, is PhP300,000. Kulang na kulang talaga.
Mr. President, may nakarating po na impormasyon sa akin na mismong empleyado ng PhilHealth sa Visayas po, umabot po ang bill niya ng 800,000 pero 30,000 lang po ang kinover ng PhilHealth, ang mismong ahensya na nagpapasahod sa kanya. Yun lang po ang kinover. Sa totoo lang po, tingnan niyo pong mabuti ito, silipin niyong mabuti ito, sa ExeCom ng PhilHealth, sa leadership po ng PhilHealth, sa Board of Directors ng PhilHealth.
At sana magkaroon ng restructuring of positions sa PhilHealth dahil marami pa rin po ang mga casuals at job orders kahit mahigit 20 years na nagta-trabaho sa Philhealth. Sa puntong ito gusto ko rin pong ipakilala sa inyo si Sir Walter. Sa loob po ng isa’t kalahating dekada, inalay niya po ang kanyang oras, pagod at kalusugan sa serbisyong publiko at naging provincial health officer pa po sa lugar na tinuring na hometown ng kasamahan nating si Senator Robinhood Padilla. Ayon po sa kanyang kapatid na si Governor D**g Padilla, si Sir Walter is one of the most active personnel to promoting UHC in Camarines Norte. Consistent contributor po sya ng PhilHealth, walang mintis. At hindi po tayo magtataka kung ang kanyang termino bilang health officer at napakarami niyang natulungan at nasagip na buhay. Mr. President, ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na ilang linggo na po ang nakalipas, pumanaw na po si Sir Walter sa sakit na pancreatic cancer.
With the consent of his family, ang suma-tutal na naging kontribusyon nya sa PhilHealth ay umabot po sa P200,000. Ngunit, sa kinasamaang palad, siya mismo ay naging biktima ng kakulangan ng PhilHealth — ang siyang ahensyang siya mismo ay naatasang i-promote at tulungan sa kanyang probinsya.
Lumapit sa aming opisina, lumapit po sa Malasakit Center ang kanyang pamilya para humingi ng tulong sa hospital bill. Umabot sa apat na milyon ang kanyang bill sa ospital. P800,000 ang PWD discount.
Alam niyo po ba kung magkano ang sinagot ng PhilHealth out of the P4 million na hospital bill? Tumataginting na P29,120. May barya pa! Mahigit dalawang milyon pa ang kanilang kailangang bayaran. Namoblema ngayon ang kanyang pamilya saan kukuha ng pambayad.
Bago nito, sa kanyang unang confinement, umabot naman sa P6 million ang hospital bill ni Sir Walter. Magkano ang na-cover ng PhilHealth? P27,000!
Fifteen years po nagsakiripisyo si Sir Walter para sa pamilya, para sa bayan. Umabot sa 200,000 ang total contributions nya sa PhilHealth bilang mamamayan. More than 10 million in hospital bills, namatay na halos 60,000 lang suma-total ang deduction ng PhilHealth sa kanyang huling dalawang confinement.
Mali ito, Mr. President. Hindi po ito makatao.
National Heroes Day po kahapon. Marahil isa sa mga heroes sa Camarines Norte si Sir Walter for his quiet but selfless service as a health officer. Pero ganito nalang ba parati? Aantayin natin mamatay ang bayani para lang magising sa katotohanan at sa bulok na sistemang nagpahirap sa buhay ng mga kababayan natin.
Mr. President, while we understand the concept of insurance, hindi ito katanggap-tanggap na hindi mo man lang mapakinabangan ang binayad mo sa oras na kailanganin mo. Hindi po ito tama. Nag-contribute ka, nagbayad ka, bawas na sa sweldo mo, nung namatay ka, lugi ka pa. Kawawa naman ang pamilya niya, Mr. President. Anong klaseng insurance yan sobra sobra naman ang pondo?? Sobra sobra naman po ang pondo, 500,000 billion ang resource funds.
Bawat piso, bawat sentimo ay napakahalaga para sa ating Pilipino, lalo na po sa mga OFW na nagko-contribute po mula sa abroad. At dapat mabigyan po ng maayos na serbisyo ang ating mga kababayan. Kung ano ang kino-contribute nila, dapat po ay mapakinabangan nila.
Second, pakiusap ko sa PhilHealth expand your program benefits. Bakit may P500 billion na pondo ang PhilHealth na hindi nagagamit na pwede namang gamitin para mas palawakin at palakasin pa ang benefit packages – tulad ng dialysis benefit – kulang daw ang subsidy per dialysis session, mental health benefits, maraming apektado noong pandemia, Z-benefit packages para sa mga malalang sakit, Konsulta, gamit na gamit ito sa Super Health Center sa mga probinsiya. Bakit hindi niyo i-inform yung mga kababayan natin? Tinaasan po from 500 to 1,007 ang Konsulta package po. Importante po ito dahil napakalaking tulong po nito sa mga kababayan natin na maagapan po ang pagkasakit at magpakonsulta muna. Huwag na antayin lumala ang sakit. Yung libreng gamot bakit hindi niyo palawakin? Dental services, bakit walang libre ngayon? Nakikita niyo sa probinsya, sinulid yung ginagamit minsan para pangtanggal ng ngipin. Tulad ng teeth cleaning, pustiso, at maraming pang iba na maaaring makatulong sa mga pasyente, bakit hindi niyo palawakin yung benefit packages?
Ang daming Pilipino takot magpa-ospital dahil takot sila sa bayarin. Pagkita pa lang nila sa ospital, ayaw na nilang pumasok dahil takot na sa babayaran. Dapat po ay gamitin itong pondong ito para sa mahihirap.
Third, scrap the single period of confinement policy. I have raised this during the last hearing and I want to reiterate that this policy is unfair and illogical given the financial standing of PhilHealth. Ito pong single period of confinement means that admissions and re-admissions due to the same illness or procedure within a specific period shall only be compensated once. Halimbawa po, may buntis. Maselan ang pagbubuntis, nag-bleeding siya. Ngayon, na-admit siya. After two weeks, maselan pa rin po ang kanyang pagbubuntis at bawal na po i-cover ng PhilHealth. Diarrhea, pasintabi po sa kumakain, tulad natin na kahit saan kumakain. Sa street foods, kumakain kwek-kwek lang kahit saan. Kapag nagka-diarrhea ka, after two weeks, nagka-diarrhea ka, bawal i-cover muli. Pneumonia, bawal na muli. Antay ka pa ng 90 days, maturuan mo ba yon? Karapatan naman po yan ng bawat Pilipino, bakit ayaw nyong ipagamit ang pondo ng PhilHealth?
In the last hearing, PhilHealth President admitted that there seems to be a flaw in the policy and that they are going to study immediately the possible removal of the single period of confinement policy. Patuloy po nating babantayan ang PhilHealth sa ipinangako nilang ito. Panay promise pa siya, cross my heart, cross my heart pa sya doon sa hearing. Tinanong ko nga si Mr. Ledesma, “Dumaan ka ba sa pagiging mahirap?” “Hindi po”. Hindi niya po naranasan ang dumaan sa pagiging mahirap.
We should strongly urge PhilHealth to provide us a clear timeline for this policy review and the expected implementation of necessary changes to ensure that members can fully utilize their benefits without unreasonable restrictions.
Fourth, suspend the increase in premium rate contribution. Mr. President, P500 billion pa po ang pondo ng PhilHealth. Kung hindi po nila magamit, bakit pa natin pagbabayarin ang mga miyembro ng mas mataas na kontribusyon?
Again, during the hearing, PhilHealth President Ledesma committed that they will immediately recommend to President Marcos to bring down the premium rates. Babantayin din po natin itong kanyang pinangako na irerekomenda nya sa mga Executives.
Fifth, stop the transfer PhilHealth funds. Hindi pa na-iimplement nang buo at maayos ang Universal Health Care Act. We are far from its full implementation. Marami pang programa ang pwedeng magawa ng PhilHealth. Dapat paglaanan ito ng sapat na pondo. Infrastructure, gamot, at iba pa. Dapat kuhanan ng pondo ang mga programang intended for healthcare. Kaya nga po PhilHealth, para sa health. Tandaan natin na ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino.
For next year, PhilHealth is again asking for P74 billion as subsidy. However, Mr. President, if funds are not being used for its intended purpose, we will question during the budget deliberations the prudence of entrusting more funding to an agency which cannot effectively implement its programs.
Bakit kayo bibigyan ng subsidy sa 2025, kung meron pa kayong reserve fund na 500 billion? Unfair naman po yun. Baka pwedeng gamitin ito sa ibang tulong pampagamot o serbisyong pangkalusugan para sa mga mahihirap. Kung hindi nyo magagamit, wawalisin na naman yan ng Department of Finance.
In closing, Mr. President, I urge this august chamber to hold PhilHealth to its commitments. Ang dami po nilang pinangako sa Pilipino, / at bilang representante ng mamamayan, nararapat lang na bantayan natin at siguruhin na tuparin nila ang pangako nila sa ating mga kababayan. Bantayan din natin at siguruhin na naiimplementa ng maayos ang mga batas na ating ipinapasa tulad ng Universal Health Care Act.
Ang Philhealth ay health insurance para sa Pilipino. To ensure the health and life ng bawat Pilipino.
Hindi yan insurance para patulugin ang pera ng taong bayan. Hindi rin yan insurance para hayaang mamatay ang ating mga kababayan. PhilHealth funds ay para sa health.
We must work towards strengthening our healthcare system and address the challenges that hinder the implementation of the UHC. Let us continue to work together towards achieving a truly universal and equitable healthcare system.
Thank you, Mr. President.
# #